PASTA with CHORIZO and PESTO CHEESE SAUCE


Here is my second pasta dish na ginamitan ko ng Del Monte gourmet spaghetti sauces. This time Pesto and Cheese Sauce ang ginamit ko.

Also, instead of regular spaghetti pasta, yung flat na pasta ang ginamit ko. At alam nyo ba kung ano lang ang sahog ng pasta dish na ito? Chinese Sausage. Mula nung matutunan kong gamitin ang sausage na ito na-inlove na talaga ako dito. Gustong-gusto ko ang lasa. Sarap din nga nito sa omellet. hehehehe

Ito pala ang naging breakfast namin nung isang araw. Syempre, wagi na naman ito sa mga anak ko....hehehe. Try it.


PASTA with CHORIZO and PESTO CHEESE SAUCE

Mga Sangkap:
300 grams Flat Spaghetti noodles

1 tetra pack Del Monte Pesto and Cheese Spaghetti Sauce

4 pcs. Chinese Sausage/Chorizo thinly sliced

1 tsp. dried basil leaves

2 tbsp. Olive oil

1 cup grated cheese

5 cloves minced garlic

1 large chopped red onions

2 tbsp. butter o cooking oil

Salt and pepper


Paraan ng pagluluto:

1. Lutuin ang pasta sa tamang paraan. I-drain...ilagay sa isang lalagyan.

2. Sa isang kawali o non-stick pan, igisa ang bawang at sibuyas. halu-haluin

3. Ilagay ang hiniwang sausages o chorizo. Hayaan ng mga 1 minuto.

4. Ilagay ang Pesto and Cheese Sauce. Tikman at i-adjust ang lasa.

5. Ilagay ang ang nilutong pasta at halu-haluin hanggang sa maikalat ang sauce sa pasta.

6. Ilagay na din ang olive oil at halu-haluing muli.

7. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng grated cheese sa ibabaw.

Ihain na may kasamang garlic or toasted bread.

Enjoy!!!!

Comments

ikken hissatsu said…
hemm... make me hungry ...
Dennis said…
Try to cook this one....It's really very easy...hehehehe

Thanks Ikken

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy