PESANG BISUGO
First time ko lang mag-pesa ng isda na ang isdang ginamit ay Bisugo. Sa amin sa Bulacan ang tawag namin dito ay istang pula. Bukod pa dyan, sa halip na ordinaryong pechay tagalog, chinese pechay o bokchoy ang ginamit ko dito. Kung alam nyo lang kung gaano kasarap ang sabaw ngmaluto ito.
Ang dali lang lutuin nito. Tambog-tambog lang and presto may pang-ulam ka na....hehehehe. Try nyo ito. Tamang-tama ito sa mga low-sodium low-fat diet. Di ba nga after kong ma-operahan ito na ang advise sa akin? hehehe....Ang hirap kaya...hehehe.
Mga Sangkap:
1/2 kilo Bisugo (Istang Pula)
1 tangkay na leeks
150 grams Chinese pechay (Bokchoy)
1 thumb size ginger (pitpitin ng kutsilyo)
1 medium size white onion
1/2 tsp. ground pepper
1/2 tsp. maggie magic Sarap
salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola magpakulo ng tubig at ilagay ang pinitpit na luya, sibuyas at leeks.
2. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
3. Ilagay ang isda at isunod na din ang chinese pechay.
4. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa
5. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang isda at gulay.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks my friend
Dennis