PORK LOMO in CHAR SIU SAUCE



Here's another dish na tiyak kong magugustuhan ninyo. Madaling lutuin at talaga namang masarap talaga. Isa din ito sa mga dish na naluto ko na before ako maoperahan. Eto nga, I'm trying to recall kung papaano ko ito niluto....hehehehehe ...Ano yun? naapektuhan ng pampatulog? hehehehe


PORK LOMO in CHAR SIU SAUCE

Mga Sangkap:

1 kilo Pork lomo
1/2 cup Char Siu Sauce
2 tbsp. Soy sauce
5 cloves minced garlic
1 chopped onion
1 thumb size grated ginger
2 tbsp. brown sugar
1 tbsp. sesame oil
salt and pepper

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang pork lomo sa asin, paminta, toyo at char siu sauce. Hayaan ng 1 oras. Mas matagal mas mainam.
2. Sa isang non-stick pan, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
3. Ilagay ang binabad na pork lomo kasama ang marinade mix.
4. After mga 5 minutes, ilagay ang brown sugar.
5. Hayaan hanggang sa maluto at mag-caramelized ang sauce.
6. Ilagay ang sesame oil bago hanguin.

I-slice ang nilutong karne at ihain na may sauce sa ibabaw.

Enjoy!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy