ROASTED PORK in PINEAPPLE SAUCE
Hindi lahat ng ine-experiment kong lutuin ay nagiging succesful. Well, ganun naman talaga. Ang importante nasubukan ko kung ano ang kakalabasan ng finish product.....Kung pumalpak, e di try mo na lang ulit next time. hehehehehe. Pero kung naging successful ka naman iba ang satisfaction na nararamdaman. Lalo na kung napupuri ang iyong niluto......hehehehe
Ganun naman sa pagluluto. Okay na gumamit ng mga recipe as a guide pero iba ang satisfaction kung ikaw mismo ang gagawa ng sarili mong putahe. Pwede nga ikaw na mismo ang magbigay ng pangalan dito.
Katulad ng recipe ng recipe natin for today. Wala akong ginayahang recipe para dito. Basta minarinade ko lang ang nabili kong karne sa pinaghalo-halong sangkap and viola may isang espesyal na lutuin na naman akong nagawa.
Ito nga pala ang Pang-Paskong lutuin #1 natin. Pwede nyo itong i-try para sa inyong Noche Buena. Ito ang ipamalit ninyo sa napakamahal na hamon. Actually, the taste is almost the same. Ofcourse mas masarap at iba syempre kung tayo ang gumawa at sinamahan natin ng pagmamahal.....hehehehe.
ROASTED PORK in PINEAPPLE SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Roast Pork (Nabibili ito sa mga supermarket na naka-roll at naka-tali na. O kaya naman pwede din ang Pork kasim o pigue pahiwa na lang ng parang ham)
1 can Pineapple chunk
1 tbsp. Dried Rosemary
1 head minced garlic
5 pcs. Chinese pechay (bokchoy)
1/2 cup Honey
2 tbsp. Soy sauce
2 tbsp. brown sugar.
1 tbsp. Rock salt
1 tsp. cornstarch
1 tsp. Ground pepper
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghaluin ang asin, paminta at dried rosemary.
2. Ikiskis ang pinaghalong sangkap sa karne.
3. Ilagay sa isang plastic bag o zip block ang karne at ilagay ang pineapple chunk kasama ang juice nito at dinikdik na bawang. Ilagay na din ang toyo. Ilagay sa pinakamalamig na parte ng freezer at hayaan ng mga 1 araw.
4. Lutuin ito sa turbo broiler o sa oven at 350 degrees na init. Bali-baligtarin kung kinakailangan hanggang sa maluto.
5. For the sauce, sa isang sauce pan o kawali, ilagay ang pinagbabaran ng karne. Ilagay na din ang asukal at honey. Halu-haluin
6. Ilagay na din ang chinese pechay.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
8. Lagyan ng tinunaw na cornstarch sa tubig para lumapot ang sauce.
9. Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng nilutong roasted pork.
I-slice at saka ihain ng may kasamang ngiti sa labi.
Enjoy!!!
Comments