SLICED BEEF with KANGKONG and YOGURT


Hindi ko alam kung anong luto ang gagawin sa 1 kilo (whole) na beef brisket na nabili ko. Kung ilalaga ko naman kako, parang kakatapos lang namin na magnilaga nitong isang araw. Wala naman akong stock na gulay sa fridge kasi nga sobrang mahal ng gulay ngayon at natutuyo lang. Ang meron lang ay kangkong na para sana sa sinigang na isda.

May nakita akong mango flavored yogurt sa fridge at naalala ko tuloy yung isang luto ni Ms. Connie ng Pinoycook.net na chicken na may yogurt. So why not sa beef? Actually, lakas loob ang ginawa ko sa recipe na ito dahil hindi ko pa ito na-try. Nang tikman ko ang yogurt, medyo nag-alinlangan ako sa lasa. para kasing maasim na matamis.....pero yung flavor ng mango nan dun. So sinubukan ko. At ang kinalabasan? Isang masarap na putahe nakakaiba ang lasa. Try nyo ito....masarap talaga.


SLICED BEEF with KANGKONG and YOGURT

Mga Sangkap:

1 kilo Beef Brisket whole

1 cup Mango flavored yogurt

1 taling kangkong (Hiwain ng mga 1 inch ang haba) o kaya naman ay spinach

4 cloves minced garlic

1 medium chopped red onion

salt and pepper to taste

1 tsp. cornstarch

1/2 cup butter


Paraan ng Pagluluto:

1. Pakuluan ang baka sa tubig na may asin hanggang sa lumambot. Palamigin at hiwain sa nais na nipis.

2. Sa isang kawali on non-stick pan, igisa ang bawang at sibuyas.

3. Ilagay ang hiniwang karne. Lagyan din ng mga 2 tasang sabaw ng pinaglagaan ng karne. Hayaan kumulo.

4. Timplahan ng asin at paminta. Ilagay na din ang mango flavored yogurt. Halu-haluin

5. Ilagay ang ginayat na kangkong o spinach.

6. Ilagay ang tinunaw na cornstarch.

7. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
naku,dennis,salamat sa yong pagbabalik...welcome back to your food blog...sarap naman nitong luto mong beef with kangkong...mas maraming kangkong mas gusto ko...hahaha
Dennis said…
Actually accidental lang yung paglagay ko ng kangkong....masyado kasing plain kung yung sauce lang....so to add color nilahukan ko ng greens....hehehehe

Thanks my friend....miss ko na ang mga comment mo na ganyan...hehehehe


Dennis\

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy