SPECIAL CHICKEN BINAGOONGAN
Hindi ko alam kung mag dish na ganito talaga. Yes, pork bonagoongan meron. Pero chicken? Hindi ako sure.
The idea for cooking this dish is ofcourse dahil sa pork binagongan. Gustong-gusto ko ang lasa ng pinaghalong lasa ng bagoong at ang creamy taste ng gata ng niyog.
Eto natuloy din na makapagluto ako ng binagoongan using chicken. And you know what? Nilagyan ko din ng twist para mas lalong sumarap ang lutuing ito.
Try nyo ito. Nagustuhan talaga ito ng mga anak ko lalo na ang bunso kong si Anton. Sa tatlo kong anak, ito ang pinakapihikan sa pagkain. Pero nung ito ang ulam namin, aba, una pa siyang humingi ulit ng rice....hehehehe.
SPECIAL CHICKEN BINAGOONGAN
Mga Sangkap:
1/2 kilo Skinless Chicken breast fillet but into cubes (bite size)
1 cup Pure Coconut milk
2 tbsp. Sweet Bagoong (Yung nasa bottle ang ginamit ko. Barrio Fiesta)
1 tsp. Dried rosemary
5 pcs. calamansi
5 pcs. siling pang-sigang
1 pc. Talong hiwain ng pahaba
3 cloves minced garlic
1 medium white onion chopped
Salt and pepper
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang chicken fillet sa asin, paminta, dried rosemary at katas ng calamansi. Hayaan ng mga 1 oras. Mas matagal or overnight mas mainam.
2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang manok hanggang sa pumula ng kaunti. Ilagay sa tabi ng kawali.
3. I-gisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin kasama ng piniritong manok.
4. Ilagay ang bagoong at patuloy na haluin. Maaring lagyan ng kaunting tubig para hindi matuyo.
5. After mga 2 minuto, ilagay ang gata ng niyog at siling pang-sigang.
6. I-adjust ang lasa. Maaring lagyan pa ng asin at paminta.
Ihain kasama ang mainit na kanin at matamis na ngiti.
Enjoy!!!!
Comments
keep it up
Dennis