SQUID and BAGUIO BEANS in OYSTER SAUCE


Ito ang isa sa mga unang dish na nauna kong niluto after my operation. Sa kalagayan ko nung time na yun, yung mga madadaling lutuin lang talaga ang pwede kong gawin. At isa na nga ang entry natin for today. Nung una calamares sana ang gusto kong gawing luto dito. Pero komo bawal pa sa akin ang mga mamantikang pagkain, dito nga nauwi ang pusit na ito.

Sa pagluluto ng pusit hindi dapat ito masyadong pinagtatagal ang pagluluto. Habang tumatagal kasi bukod sa lumiliit ito ay tumitigas din ang laman. So kung baga, dapat sandaling-sandali lang ito maluluto sa kalan at hanguin kaagad.

Another simple dish pero masarap.....try nyo.


SQUID and BAGUIO BEANS in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:

1/2 kilo Pusit cut into rings

1/2 cup Oyster Sauce

150 grams Baguio Beans cut into 2 inches long

1 thumb size ginger

4 cloves minced garlic

1 medium size onion chopped

1 tbsp. brown sugar

1 tsp. cornstarch

1 tsp. sesame oil

salt and pepper



Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.

2. Ilagay ang baguio beans at halu-haluin.

3. After ng mga 1 minuto, ilagay na ang pusit at timplahan ng asin at paminta.

4. Ilagay na din ang oyster sauce at asukal. Hayaan ng mga 1 minuto

5. I-adjust ang lasa.

6. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Note: Sa paglilinis ng pusit, tiyakin na naalis yung tinta na parang pouch sa loob ng pusit. Kung hindi, masyadong iitim ang sauce ng inyong lutuin.

Comments

cool fern said…
eto ang super sarrrraaaapppp
Dennis said…
Yup..yup..yup! Remember na mas masarap kung lalagyan ito ng kaun ting asukal? Yun lang sobrang mahal ng pusit dito....hehehehe

Dennis
Anonymous said…
thanks po for sharing this recipe, nagustuhan ng anak at husband ko, pti rin ako cympre. haaay, sa wakas, may iba nkong alam n luto ng squid bukod sa adobo...hehehe! tatry ko din po iba nyong recipe, sana mgpost o kayo ng maraming kakaibang recipies nyo. thanks po ulit and God Bless!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy