BEEF YAKINIKU in TERIYAKI Sauce


Last Saturday ng mag-groceries ako sa SM Hypermarket sa may Kalentong, may nakita akong parang bacon ang cut na meat. Ang naka-label dito ay Beef Yakiniku. Sa totoo lang, wala akong idea what is this kind of beef. Basta ang nakita ko, para siyang bacon na manipis ang pagkakahiwa. P199 ang halaga ng 1 kilo nito.

Sa pag-check ko sa google sa beef recipe na ito, napagalaman ko na isa pala itong simpleng beef recipe sa Japan. Yakiniku means grilled meat. Simple, kasi simple lang ang mga sangkap at paraan ng pagluluto. Pero ang ginawa ko dito hindi ko inihaw, niluto ko ito ala teriyaki without the teriyaki sauce. Papano yun? eto sa baba basahin nyo. hehehehe.


BEEF YAKINIKU in TERIYAKI Sauce

Mga Sangkap:
1 kilo Thinly sliced Beef (Sukiyaki or sirloin)

1 thumb size grated ginger

1 onion chopped

4 cloves minced garlic

2 tbsp. Oyster Sauce

1/2 cup Soy sauce
2 tbsp. Muscova, palm or Brown sugar

2 tbsp. cooking oil

1 tsp. sesame oil

1 tsp. toasted sesame seeds

1 tsp. cornstarch

chopped spring onion for garnish


Paraan ng Pagluluto:

1. I-marinade ang karne sa toyo, oyster sauce, paminta, at brown sugar. Hayaan ng mga 1 oras or mas matagal pa.

2. Sa isang kaserola o non-stick pan, i-gisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika . Ilagay na din ang minarinade na karne. Huwag muna ilagay ang marinade mix. hayaan munang ma-prito ito sa sariling mantika. Halu-haluin

3. Kung nawala na ang pamumula ng karne ilagay na ang marinade mix. Hayaan kumulo sa mahinang apoy haggang sa lumambot ang karne.

4. Tikman at i-adjust ang lasa.

5. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce. Ilagay na din ang sesame oil

6. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng toasted sesame seeds at ginayat na spring onions.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Note: The best na palm or muscova sugar ang gamitin. Mas masarap ang kakalabasan.

Comments

cool fern said…
i like this,dennis..will try this someday..hehehe
Dennis said…
Yes...kung nakakain ka na sa Tokyo tokyo dito sa Pinas.....ganyan yung lasa ng isa sa mga food na ino-offer nila.

Sarap.....
Anonymous said…
thanks sa recipe mo... nakabili rin kasi ako ng beef yakiniku sa sm hypermart... like u, di ko rin alam gagawin ko dun so i tried searching... tingin ko, yours is the best so eto, tinatry ko sya... thanks! :-)
Poruznik said…
Thanks 4 da recipe. Yan ang hinahanap ko ung Beef Yakiniku na prang natikman ko sa Yoshinoya. Share ko lng kc dati nagwork aq sa tokyo-tokyo back in 2008, I know the secrets of meal, but I don't want to give the exact recipe to protect the secret. But I give you a tip we used:

They always use JAPANESE WINE to remove "LANSA" of beef. Also adds flavor.

Nga pla, di pla tau nagkakalayo ng place, taga-Punta Sta. Ana lang ako, sometimes I went in the hypermart infront of JRU.
Dennis said…
Thanks Poruznik....Taga-QC ako sa Cubao...pero sa Makati ako nag-wo-work. I-try ko yang secret na sinabi mo sa akin...hahanpin ko yang Japanese wine na yan...hehehe


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy