MOJOS POTATOES - My own version


Natatandaan nyo yung entry ko na fish filletwith mayo-bagoong dip? Di ba nabanggit ko dun na may side dish akong ginawa na katerno nun? Eto na yun. Mojos Potatoes. Flavored potatoes ito kagaya nung nabibili o nakakain natin sa Shakeys. Pero itong entry ko na ito ay sarili kong version. Hindi man kasing sarap ng sa Shakeys pero may kakaiba itong sarap na ofcourse yung kumakain lang ang makakapagsabi.

Ganun naman talaga eh. May iba-iba tayong panlasa. Kagay na lang nitong foog blog kong ito. May nagkakagusto, mayroon din naman na hindi. Bagsak pa nga ang grade na ibinigay sa akin....hehehehe. Pero okay lang. Sabi ko nga may iba-iba tayong taste. Aminado naman ako na marami pa akong kakaining bigas para makatapat sa mga magagaling na food blogger.


MOJOS POTATOES - My own version

Mga Sangkap:

3 pcs. Large Potatoes thinly sliced (kasama ang balat)

2 tbsp. Flour

1 tsp. Dried Basil

1 tsp. Maggie Magic Sarap

1 tsp. Curry powder

1 tsp. ground pepper

salt to taste

cooking oil


Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang plastic bag o zip block, paghalu-haluin ang harina, dried basil, maggie magic sarap, curry powder, paminta at asin.

2. Ilagay ang hiniwang patatas at alug-alugin hanggang sa ma-coat ng pinaghalong sangkap.

3. I-prito ito sa kumulong manitika hanggang sa mag-golden brown ang kulay

4. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel

Ihain kasama ng dip na pinaghalong mayonaise at minced garlic o kaya naman ay mayonaise na may kasamang bagoong. Nasa sa inyo kung ano ang nain ninyong dip na gamitin.
Enjoy!!!

Comments

cool fern said…
walastic,fantastic ka talaga,dennis...
Dennis said…
Hahahaha...dalawang tic yan ha....hehehe.

Thanks my friend
Anonymous said…
im so happy sa blog mo Mr. Dennis, malaking tulong to para sa akin na nagsisimula plang matutu mag luto, di naman kaylangan maging professional chef/cook para magshare and advice ng good and exciting recipe... hayaan nyo yun mga nag criticize sa way ng luto mo masyado kasi silang marunong... ang simple at madaling maintindihan na blog gaya nito ang the best para sa gaya ko na nais matuto... nakakainspire po kyo...
maraming salamat po...

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy