ADOBONG TUYO
No, hindi tuyo na isda ang ibig kong sabihin sa recipe natin for today. Hindi ito tuyong isda na in-adobo ha....hehehehe. Actually it's the ordinary chicken adobo pero yun lang wala itong sauce.
Dito sa Manila, ang adobo, lalo na yung nabibili sa mga karendirya, ay maraming sauce. Marahil ay sa request na din ng mga customer nila. Sabagay, masarap naman talagang i-mix yung sauce ng adobo sa mainit na kanin. Kaya nga nagkaroon ng adobo rice di ba?
Nung grade school days ko noong araw, kapag may mga picnic or party sa school, itong adobong manok na tuyo o walang sauce ang pinababaon sa akin ng aking Inang. Ibinabalot niya sa dahon ng saging ang kanin kasama na ang adobong manok at nilalagyan pa niya ng kamatis. Kaya naman ang sarap talaga ng kain ko nun.
Yun ang idea na naisip ko nung niluto ang adobong manok na ito. Ang ginawa ko na lang, itinabi ko pa rin yung sauce para sa kung sakaling may gusto ng may sauce, lalagyan na lang ito.
ADOBONG TUYO
Mga Sangkap:
1 Whole Chicken cut into serving pieces
1 head minced garlic
1 cup vinegar
1 cup soysauce
1 tbsp. garlic powder
1 tsp. ground black pepper
1 tsp. magie magic sarap
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pagsama-samahin lang ang lahat ng sangkap maliban sa maggie magic sarap. Haluin at hayaan muna ng mga 30 minuto.
2. Lutuin ito hanggang sa kumainti na ang sabaw.
3. Tikman at i-adjust ang lasa ng sauce.
4. Sa isang non-stick pan, i-prito ang nilutong adobo sa kaunting mantika hanggang sa pumula ang balat.
Ihain ito habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Note: Maaring gamitin ang sauce ng pinaglutuan ng adobo para sa inyong adobo rice. Magbusa lang ng bawang at ilagay ang kanin at adobo sauce.
Comments
ok din 'to,dennis..in fact 'to ang fav ng hubby ko..adobong walang sauce...
Dennis