CHICKEN BARBEQUE in HOISIN and OYSTER SAUCE



Ang barbeque marahil ang isa sa mga pagkain na hindi nawawala sa ating hapag kung Pasko at Bagong Taon. Mapa baboy man o manok, hit na hit ito lalo na sa mga bata. Ofcourse sa mga matatanda na din. Hehehehehe.


Maraming recipe tayong makikita sa Internet sa kung papaanong timpla at paraan ng pagluluto ng barbeque. Itong ginawa ko ay may pagka-asian ang dating. Ginamit ko ang hoisin at oyster sauce at kaunting sesame oil na very common sa mga lutuin ng mga chinese at sa ibang bansa sa asia.


Try nyo ito. Naging kakaiba ang lasa ng paborito nating barbeque.



CHICKEN BARBEQUE in HOISIN and OYSTER SAUCE



Mga Sangkap:

1/2 kilo Chicken Breast Fillet cut into cubes

2 tbsp. Hoisin sauce

2 tbsp. Oysters Sauce

1/2 cup Soy Sauce

1 tsp. Sesame oil

1 tbsp. grated ginger

1 tbsp. brown sugar

1 head minced garlic

1 tsp. ground pepper

barbeque sticks



Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang bowl, paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa manok. Maaring tikman ang marinade mix para matantya nyo kung okay na sa inyo ang tamis at alat.

2. Ilagay ang manok at halu-haluin hanggang sa ma-coat ang lahat ng piraso ng manok. Hayaan ng mga 1 o 2 oras o mas matagal pa.

3. Tuhugin ito sa barbeque stick

4. Ihawin ito sa mainit na baga. I-brush ng marinade mix ang barbeque hanggang sa maluto ito. Huwag i-overcooked dahil titigas ang laman ng manok.



Ihain ito habang mainit pa.



Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
mahirap 'to..walang baga dito kasi...
Dennis said…
Pwede pan grill na lang...yun lang iba talaga ang luto sa baga...may smokey taste.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy