CRISPY BABY SHRIMP OKOY
Maraming klaseng okoy o ukoy. Pangkaraniwang nakakain natin ay yung toge na may hipon sa ibabaw o kaya naman yung ginayat na kalabasa na may hipon din. Basta ang alam ko ang okoy ay may pangunahing sangkap na itlog at harina na piniprito sa mantika. Yung iba torta ang tawag dito. Kung medyo sosyal na dating fritters naman. hehehehehe
Nung minsang umuwi kami sa aking biyenan sa Batangas, nagluto ng ganito ang bilas kong si Ate Myla. Nagustuhan ko at pati na ang mga bata. Kaya eto, nang may makita akong maliliit na hipon sa Farmers, ito na agad ang naisip kong lutuing dinner nitong nakaraang araw.
Masarap! lalo na sa sawsawang suka na may bawang at sili....panalo talaga.
CRISPY BABY SHRIMP OKOY
Mga Sangkap:
1/2 kilo Hipon na maliliit
1/2 cup chopped parsley
1 small chopped onion
3 eggs
1 cup flour
1 tsp. salt
1/2 tsp. black pepper
1 tsp. maggie magic sarap
cooking oil for frying
Paraan ng Pagluluto:
1. Paghaluin ang itlog, harina, asin, paminta at maggie magic sarap. Maaaring lagyan ng kaunting tubig para hindi masyadong malapot ang batter.
2. Ihalo ito sa hipon kasama ang chopped parsley at sibuyas.
3. Magpainit ng mantika sa isang non-stick na kawali.
4. Sa isang platito, maglagay ng tama lamang na dami ng hipon na pinaghalo.
5. I-prito ito hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
6. Hanguin sa isang paper towel para maalis ang sobrang mantika.
Ihain na may kasamang sawsawang suka na may asin, bawang at sili.
Enjoy!!!!
Comments
ok 'to..thumbs up to this one...
Dennis