CRISPY CHICKEN WRAP


Nakatikim na ba kayo nung crispy pizza wrap ba yun sa pizza hut o sa KFC? Dito ko nakuha ang recipe natin for today. Ang idinagdag ko lang ay ang paggamit ng hoisin sauce na nakuha ko naman nung minsang kumain kami ng peking duck sa isang chinese restaurant.

Madali lang ito. Basta i-prepare lang ang mga sangkap at mayroon na kayong isang masarap na pang-almusal o kaya naman ay pang meryenda.

CRISPY CHICKEN WRAP

Mga Sangkap:

500 grams Chicken Breast fillet cut into strips
3 pcs. calamansi (juice)
1 egg
2 tbsp. flour
2 cups Japanese Bread crumbs
salt and pepper to taste
cooking oil for frying
----
1/2 cup Hoisin sauce or Mayonaise
Romaine Lettuce
1 cup grated Cheddar cheese
15 pcs. Tortilla wraps

Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang chicken breast fillet sa calamansi, asin at paminta.
2. Ihalo din ang binatinf itlog at harina. Halu-haluin hanggang ma-coat ang lahat ng manok sa itlog at harina. Hayaan ng mga 15 minuto.
3. Isa-isang i-coat ang manok ng japanese bread crumbs at saka i-prito sa kumukulong mantika.
4. Hanguin na kung ito ay golden brown na. Gawin ito hanggang sa maluto ang lahat ng manok.
5. Para i-assemble ang inyong crispy chicken wrap, sa isang non-stick pan, isalang ito sa kalan hanggang sa uminit. Ilagay isa-isa ang tortilla wraps. Huwag masyadong pagtagalin ito sa kawali ng hindi tumigas ang wrap.
6. Hanguin ang tortilla sa isang plato at lagyan ng kaunting hoisin sauce o mayonaise.
7. Lagyan ng isang dahon ng romaine lettuce, ilang piraso ng nilutong chicken strips at mga 1 kutsarang grated cheese.
8. I-roll ang tortilkla wrap at handa ng kainin ang inyong Crispy chicken wraps.

Sarap nito promise....

Enjoy!!!

Note: Pwede nyo ding lagyan ng pipino at dinikdik na mani o cashiew nuts ang inyong crispy chicken wrap.

Comments

cool fern said…
sarap at madaling i-prepare..
maraming tortilla wrappers dito..
mexican food kasi 'to

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy