FRIED RICE OVERLOAD


After nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon tiyak kong marami tayong handa na natira at nakalagay lang sa ating fridge. Bukod sa mga prutas, ang daming tira na pagkain kagaya ng hamon, gulay at kung ano-ano pa. Sayang naman kung masisira lang ito at matatapon lang. So kailangan na maka-isip tayo ng paraan kung papano ito mare-recycle at mapakinabangan muli.
Ang recipe natin for today ay mula sa mga tira-tirang pagkain na naka-imbak sa fridge namin mula pa noong Pasko. So para makaluwag-luwag ang fridge, ito dish na ito ang nabuo. Masarap ito. Para ka na ring kumain sa isang chinese restaurant. Again, ang mga sangkap na ginamit ko dito ay puro tira-tira lang.





FRIED RICE OVERLOAD

Mga Sangkap:

5 cups Cooked Rice (Yung long grain mas mainam at hindi malambot)


1 pc. chinese Sausage thinly sliced

3 slices of Sweet ham chopped

2 slices of Spam or Luncheon meat chopped

1 cup Frozen Mix vegetables (carrots, peas, corn)

5 cloves Minced garlic

1 eggs (scrambled, chopped)

1 tbsp. sesame oil

2 tbsp. butter

1 tsp. Maggie magic sarap

salt and pepper to taste


Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang non-stick pan o kawali, i-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown. Hanguin ito sa isang lalagyan.

2. Sunod na ilagay ang chinese sausage at sweet ham. Halu-haluin ng mga 30 segundo.

3. Ilagay na ang mix vegetables at spam o luncheon meat.

4. Ilagay na ang kanin, timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. Halu-haluin hanggang sa mahalo na ang mga sahog sa kanin.

5. Ilagay ang sesame oil at scambled egg at muling haluin.

6. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng toasted garlic sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa kasama ang inyong paboritong ulam kagaya ng tuyo, longanisa o tapang baka.

Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
wooo super sarap..overload na overload talaga...
Dennis said…
hehehehe...di na kailangan ng ulam....

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy