GINISANG MUNGGO with SOTANGHON


Ang ginisang munggo marahil ang isang pagkaing pinoy na pinoy na pinoy talaga ang dating. marami sa ating mga Pilipino na alam na kung papaano ito lutuin at marahil ay nagkakaiba na lang sa sahog na inilalagay.

May entry na ako sa archive para sa ginisang munggong ito. Kung baga, version 2 ko na ito. May idinagdag kasi ako na sangkap yung sotanghon nga na natutunan ko naman sa lugar ng aking asawang si jolly sa Batangas. Actually, siya ang nag-request na lagyan ko ito ng sangkap na yun at masarap naman talaga ang kinalabasan.

Try it! Yung bunso ko, gustong-gusto ito.




GINISANG MUNGGO with SOTANGHON


Mga Sangkap:

250 grams Green Monggo (Ibabad sa tubig ng overnight)

250 gram Pork Liempo cut into small cubes

10 grams Sotanghon or vermicelli noodles

4 cloves minced garlic

1 tali Dahon ng ampalaya

1 large onion chopped

1 large tomato chopped

1 Knorr Pork cubes

salt and pepper to taste



Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang kaserola lutuin ang hiniwang karne ng baboy na may 1 tasang tubig na may kaunting asin. Hayaan hanggang sa matuyo ang tubig nito. Kung natuyo na, lagyan ng kauting mantika at i-prito ang baboy hanggang sa pumula at magmantika ito.

2. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. halu-haluin.

3. Ilagay ang hingusang munggo at lagyan ng tubig. Hayaang kumulo hanggang sa madurog ang munggo. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan pa.

4. Kung luto na ang munggo, ilagay ang sotanghon noodles at Knorr pork cubes. Maaring lagyan pa ng tubig dahil sisipsipin ng noodles ang sabaw ng niluluto.

5. Timplahan ng asin at paminta. Tikman at i-adjust ang lasa.

6. Ilagay ang dahon ng amplaya at patayin na ang apoy.


Ihain kasama ang inyong paboritong pritong isda.


Enjoy!!!

Comments

cool fern said…
ohhhh love love this one...
paborito yata 'to ng lahat...
Dennis said…
Hehehehe...sinabi mo. Try it with the sotanghon....ang laki din ng pagkakaiba....naiba yung texture ng dish.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy