MANGO ROYALE
Ito ang dessert na ginawa ko last Christmas for the Noche Buena. Medyo late ko na ito pinost kasi nga medyo sablay ang naging finished product. Manggo ang itinawag ko dito. Pero sa iba manggo float naman ang tawag.
Sablay, kasi hindi nabuo ang cream at gatas. Nang i-review ko yung recipe may nakita nga akong mali. Sa halip na isang can lang na condensed milk, dalawa ang nailagay ko. Kaya pala hindi nabuo.
Pero sa totoo lang, masarap ang kinalabasan ng dessert na ito. Ito nga ang naunang maubos sa noche buena na inihanda ko.
Sa recipe na ito tama na ang proportion ng mga sangkap na inilagay ko. Take note din, may ginawa akong twist kung papaano ito mapapasarap pa.
MANGO ROYALE
Mga Sangkap:
1 kilo Hinog na mangga
2 cups All Purpose Cream
1 cup Condensed Milk
3/4 cup Unsalted butter (melted)
1-1/2 cup Crushed Graham cracker
Paraan ng pag-gawa:
1. I-chill muna ang cream at condensed milk sa fridge ng overnight.
2. Tunawin ang butter sa sauce pan at ibuhos sa dinurog na graham cracker.
3. Halu-haluin hanggang mag-buo-buo ang butter sa graham.
4. Ilagay sa isang pyrex at i-press sa bottom ng lalagyan ang graham na may butter.
5. Ilagay sa freezer para tumigas ang base ng pie.
6. Hiwain ang magkabilang pisngi ng mangga. Yung kalhati, hiwain ng pa-strip para sa toppings. Yung kalhati naman, hiwain ng pa-cubes na maliliit.
7. Paghaluin ang cream, condensed milk at hiniwang maliliit na cubes na mangga.
8. Ibuhos ito sa pinatigas na crust.
9. Ilagay sa ibabaw ang hiniwang pa-strips na mangga.
10. Ilagay muli sa freezer para ma-set o mabuo.
Ihain kasama ang inyong matamis na ngiti sa labi.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis
Happy New year to you and your family.
Dennis