MEAT BALLS with MUSHROOM in WHITE SAUCE
See picture pa lang parang ang sarap-sarap na ng entry natin for today. Lalo pa siguro kung matikman nyo ito. Masarap talaga.
Mga Sangkap:
For the Meatballs:
½ kilo Pork giniling
5 pcs. Dried Mushroom
2 medium onion finely chopped
2 tbsp. Oyster sauce
1 tsp. ground black pepper
1 tsp. salt
4 cloves minced garlic
1 cup Parsley chopped
1 tsp. Maggie magic sarap
1 tsp. garlic powder
2 eggs
1 cup flour
1 tsp. sesame oil
For the sauce:
½ cup butter
1 small can Alaska Evap
1 big can Whole button mushroom
1 tbsp. Flour
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang bowl, pagsama-samahin ang lahat ng sangkap para sa meatballs. Haluing mabuti. Maaring mag-steam o mag-prito ng kaunti para matikman ang lasa. I-adjust ang lasa kung nais.
2. Gumawa ng mga bola-bola ayon sa nais ninyo na laki.
3. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa pumula ng kauntin. Huwag i-over fried dahil isasama pa natin ito sa white sauce. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Sa isang sauce pan o kawali, bahagyang i-orito ang button mushroom sa butter.
5. Ilagay ang sabaw ng button mushroom, timplahan ng asin at paminta at hayaan ng mg 2 minuto.
6. Ilagay ang Alaska evap at tinunaw na harina. Halu-haluin hanggang makuha ang tamang lapot ng sauce. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Ilagay ang piniritong bola-bola. Halu-haluin hanggang sa ma-coat ang lahat ng bola-bola ng white sauce.
8. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng chopped parsley sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa. Masarap kainin ito sa kanin o kaya naman ay sa paborito ninyong tinapay.
Enjoy!!!!
Note: Pwede din na all purpose cream ang gamitin sa halip na evap milk. Kung cream, pwede nang hindi lagyan ng harina ang sauce.
Comments