PORK STEAK ALOHA
Ang pork steak cut ang isa sa paborito kong part ng baboy. Ang ikinasarap kasi nito ay yung paghahalo ng kaunting taba at laman ng karne. Pag puro laman kasi parang dry yung kinakain mo at yung lasa ng pork ay yung nasa taba talaga. Ofcourse, hinay-hinay lang sa taba at baka tayo ma-cardiac.....hehehehe
The last time nag-groceries ako, nakabili ako ng 1 kilo na pork steak sa SM Supermarket sa Makati. Masarap kasi itong gawing bistek tagalog. Pero last minute nagbago ang plano ko. Sa halip, ginawa ko itong parang pork hamonado with a chunk of pineapple. Ang kinalabasan.... Pork Steak Aloha.
PORK STEAK ALOHA
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Steak
2 cups Del Monte 100% Pineapple Juice
2 cups Del Monte Pineapple Chunk
1/2 cup Soy Sauce
5 cloves minced garlic
1 large Onion chopped
1 cup brown sugar
salt and pepper to taste
1 tbsp. cornstarch
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa pineapple chunk. Hayaan ng mga 2 oras. Mas matagal mas mainam. Overnight is the best.
2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito isa-isa ang mga karne hanggang sa pumula lang ng kaunti ang laman nito.
3. Sa isang kaserola ilagay ang piniritong karne at ibuhos ang marinade mix. Lutuin ito hanggang sa lumambot ang karne.
4. Kung malambot na ang karne, ilagay ang pineapple chunk kasama ang syrup nito. hayaan ng mga 2 minuto.
5. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Maaring lagyan pa ng asin o brown sugar.
Ihain kasama ng mainit na kanin.
Enjoy!!!
Comments
Dennis