TINOLANG BAKA
Oo tama ang basa nyo sa pangalan ng recipe natin for today. Tinolang Baka. Sa totoo lang bago ko sinubukang lutuin ito, nag-check muna ako sa Internet kung mayroong ganitong recipe. Isa lang ang nakita kong naglakas loob na gumawa nito at maganda naman ang feedback niya tungkol sa lutuing ito.
It's the classic tinola. Yun lang beef ang ginamit kong karne sa halip na manok. Nilagyan ko din ng dried mushroom para mas maging malasa ang sabaw nito. At hindi naman ako nabigo. Masarap ang kinalabasan ng tinola kong ito. Try it and you'll love it!!!
TINOLANG BAKA
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket (hiwain sa nais na laki)
1 medium Green Papaya (Balatan at hiwain sa nais na laki)
2 thumb size sliced ginger
1 large Onion chopped
4 cloves minced garlic
1 tali dahon ng sili
1 pc. dried mushroom
1 tsp. Pamintang buo
2 pcs. siling pang-sigang
salt or patis to taste
1 tbsp. Achuete seeds (katasin sa 1/2 tasang tubig)
Paraan ng paluluto:
1. Palambutin ang karne ng baka sa isang kaserolang may tubig at asin. Kung malambot na, hanguin ang laman at hiwain sa nais na laki. Itabi ang sabaw na pinaglagaan.
2. Sa isa pang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
3. Ilagay ang nilagang karne ng baka at hiniwang papaya. Halu-haluin.
4. Ilagay ang sabaw ng pinaglagaan. Salain ito para di sumama ang mga nabuong dugo.
5. Timplahan ng asin o patis at paminta.
6. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang papaya.
7. Ilagay ang katas ng achuete seeds para magkakulay ang sabaw ng tinola.
8. Ilagay na din ang siling pang-sigang. Hayaan ng mga 2 minuto.
9. Huling ilagay ang dahon ng sili. Tikman at i-adjust ang lasa ng sabaw.
Ihain habang mainit ba.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis