ADOBONG PUSIT


Simple pero masarap ang entry natin for today. Sino ba naman ang aayaw sa adobo. Kung pambansang pagkain siguro ang paguusapan, ay itong adobo sigurado ang bida.

Maraming klaseng adobo. Kung baga kahit ano pwedeng i-adobo. Pangkaraniwan ay ang adobong baboy o kaya naman ay manok.

Ang pusit ay isa sa mga pwedeng i-adobo. At isa ito sa mga gustong-gusto ko na kainin. Yun lang may kamahalan ang pusit kaya naman bihira din ako makakain nito.

Nitong iang araw, nakakita ako ng sariwang pusit sa palengke at itong adobong pusit agad ang naisip kong gawin dito.

Simple lang lutuin ito pero ginawa kong espesyal sa pamamagian ng butter at maraming bawang. Try nyo ito masarap talaga.


ADOBONG PUSIT

Mga Sangkap:
1 kilo medium size pusit
1/2 cup Suka
1/2 cup soy sauce
1 head minced garlic
1/2 cup butter
1 tsp. ground black pepper
1 tbsp. brown sugar
1 tbsp. maggie magic sarap
1 tsp. cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1. I-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa parehong kawali, ilagay ang pusit, suka at toyo. Ilagay na din ang pamintang dinurog.
3. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang pusit.
4. Timplahan ng maggie magic sarap at brown sugar. I-adjust ang lasa.
5. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
6. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong bawang,

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

adlamay said…
masarap talaga adobong pusit try ko d2 sa hauz yan pang baon ni mister..

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy