ANTON'S CHICKEN - Improved version



Sa bahay, basta roasted chicken ang ulam, talaga namang magana lahat kain. Dati tuwing espesyal na okasyon lang ako nagluluto nito. Pero nitong nakaraang araw, naisipan kong magluto nito dahil na din sa nabasa kong recipe sa net at sa request na din ng mga anak ko.


Sa lahat ng chicken dish na naluto ko, itong roasted chicken na ito ang maipagmamalaki ko. Kaya nga ipinangalan ko ito sa aking bunsong anak na si Anton. Masarap kasi talaga. Marami na nga ang nakapuri dito ng matikman nila.


Actually simple lang ang timpla nito. Siguro nasa tamang timpla lang talaga ang sekreto para mapasarap pa kakalabasan. Nasubukan ko nang gumamit ng ibat-ibang sangkap sa roasted chicken, pero iba talaga yung original recipe ko. Iba talaga ang sarap. Ito pa rin pala ang original recipe ko at dinagdagan ko lang ng parsley. Try it!




ANTON'S CHICKEN - Improved version



Mga Sangkap:

1.5 kilo Whole Chicken

2 tbsp. Rock salt

1 tsp. Freshly ground black pepper

8 pcs. Calamansi

1/2 cup Soy Sauce

1 head finely chopped garlic

1 8g Sachet maggie magic sarap

4 tangkay Lemon Grass o Tanglad

a bunch of fresh parsley





Paraan ng Pagluluto:

1. Paghaluin ang asin, paminta at maggie magic sarap sa isang lalagyan.

2. Ikiskis ang pinaghalong sangkap sa katawan at loob ng manok. Hayaan ng mga 15 minuto.

3. Sa isang bowl, paghaluin ang bawang, katas ng calamansi at toyo. Haluing mabuti.

4. Ibuhos ang marinade mix sa manok. Imasahe ang marinade mix sa buong katawan ng manok pati sa loob.

5. Ilagay sa loob ng manok ang tanglad at parsley.

6. Sa isang zip block o plastic bag, ilagay ang manok kasama ang marinade mix.

7. Ilagay sa freezer at hayaang mababad overnight. Mas matagal mas mainam.

8. Lutuin ito sa oven or sa turbo broiler sa init na 350 degrees sa loob ng 45 minuto hanggang 1 oras.

9. From time to time, pahiran ng marinade mix ang katawan ng manok.

10. Para gumawa ng gravy, isalin sa isang sauce pan ang katas ng pinaglutuin ng manok at lagyan ng tinunaw na cornstarch at butter. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.


Ihain ang inyong Anton's Chicken kasama ang ginawang gravy.


Enjoy!!!!



Note: Nasaan yung improvement? Yung paggamit ko ng parsley. Nabasa ko kasi sa isang food blog din na mayroon nito. So ayun, mas masarap ang kinalabasan.

Comments

cool fern said…
sarap nito,dennis
Dennis said…
Sinabi mo...basta may espesyal na okasyon sa bahay..hindi mawawala ito. Madali din kasing i-prepare.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy