CHINESE NEW YEAR 2010

It's Chinese New Year today. February 14, 2010. Nasabay din ito sa Valentines Day. Nakakatuwa naman dahil pulang-pula talaga ang paligid. Sa SM sa Makati nga may promo pa na pag may couple na parehong nakapula na mamimili may prize na bulaklak para sa girl....hehehehe

Sa ating mga Pilipino hiundi maikakaila ang impluwensya sa atin ng mga Intsik. Mapa sa kaugalian man, kultura, pagkain at maging sa mga pamahiin, kitang-kita sa atin ang mga kaugaliang ito.



Isa na dito ang pagkain ng tikoy at mga pagkaing nagpapaswerte daw sa pamumuhay ng isang tao. Papaanong hindi tayo maniniwala kahit papaano sa kaugaliang ito, halos marami sa mga pinakamamayamang tao dito sa Pilipinas ay mga Intsik. Kaya join lang....hehehehe.


Gayun din ang mga purtas na bilog-bilog. Mawawala ang ang mga oranges, ponkan at kiat-kiat sa hapag kainan kapag ganitong chinese new year?

Kahit ano pa mang pamahiin yan, ang mahalaga ay ang pananalig natin sa nagiisang Diyos. Basta manalig tayo sa Kaniya at huwag tayong mawawalan ng pag-asa.

Abangan nyo ang inihanda kong pagkain nitong Valentines Day con Chinese New year.

HAPPY CHINESE NEW YEAR SA LAHAT!!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy