CHINESE SAUSAGE in HOFAN NOODLES




Ito ang isa sa mga niluto ko nitong nakaraang Chinese New year con Valentines day. Kahit wala kami ni katiting na dugong tsino, sinusunod din namin kahit papaano ang ilan sa kanilang mga kaugalian. Kagaya nga nitong pag-celebra ng Chinese New Year.


Madali lang lutuin ang dish na ito. At ang maganda pa nito, asian na asian ang dating at lasa. Tamang-tama sa okasyon kung baga.

CHINESE SAUSAGE in HOFAN NOODLES



Mga Sangkap:

360 grams Hofan Rice noodles

3 pcs. Chinese Sausages slice thinly

1 cup Oyster Sauce

1/2 Cup Soy sauce

4 cloves minced garlic

1 onion chopped

1 thumb size grated ginger

1 tsp. freshly ground black pepper

2 tbsp. brown sugar.

2 tbsp. Sesame oil

salt to taste

2 eggs beaten



Paraan ng pagluluto:

1. Ibabad muna ang rice noodles sa tubig 1 oras bago lutuin.

1. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang binating itlog sa kaunting mantika. Lutuin at hanguin sa isang lalagyan.

2. Dagdagan pa ng kaunting mantika ang kawali at igisa ang luya, bawang at sibuyas. Halu-haluin.

3. Ilagay ang sliced chinese sausages at hayaang pa-prito sa loob ng ilang sigundo.

4. Ilagay na ang oyster sauce at toyo. Halu-haluin.

5. Timplahan ng paminta, brown sugar at kaunting asin. I-adjust ayon sa inyong panlasa.

6. Ilagay na ang rice noodles at haluing mabuti hanggang sa ma-coat ang noodles ng sauce.

7. Ilagay ang sesame oil at hanguin sa isang lalagyan.

8. Ilagay sa ibabaw nito ang ginayat na piniritong itlog.


Ihain habang mainit pa.


Enjoy!!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy