EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION - Nakalimutan na nga ba?


24 taon na pala ang nakakaraan mula nung maganap ang rebolusyon sa EDSA o ang kauna-unahang People Power sa kasaysayan ng mundo. Ang people power na hinangaan ng buong mundo at naging inspirasyon din ng ibang mga bansa tungo sa isang tunay na pag-laya.
18 years old pa lang ako noon at proud akong sabihin na naging bahagi ako ng kasaysayan. Marami na ang nangyari, marami na ang nabago, pero ang tanong, nakalimutan na ba natin ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng ating kasaysayan? Hindi para sa akin.
Tandang-tanda ko pa, ito yung araw kung saan nanumpa si Cory sa Club Filipino. Isinama ako ng aking pinsan na si Kuya Raul para pumunta sa EDSA at sa Club filipino para maiisa at saksihan ang kasaysayan. Bale apat kaming sakay ng kotse niya. Ako, si Kuya Raul nga, ang asawa niyang si Ate Badet at ang aking Tita Virgie. Hindi pa ako pamilyar sa maynila noon, pero ang natatandaan ko sa may Ortigas Center kami dumaan papuntang Club Filipino. Matalahib pa ang lugar na yun. Ilan pa lang ang mga building kagaya ng Meralco at Strata.
Sa may Greehills shopping center kami nag-park at nilakad na lang namin papuntang club Filipino. Pagdating namin sa lugar, ang dami-saming nang tao. Nagsisimula na ang panunumpa. At base sa aking nadidinig mula sa isang malakas na sound system, si Vice President Doy Laurel ang kasalukuyang nanunumpa ng mga oras na yun. Humanap kami ng maganda-gandang pwesto. Nagkanda-gulong-gulong nga ang aking tiya sa damuhan sa pag-akyat para lang maka-pwesto maganda. At yun nga, aming narinig ang panunumpa ng kauna-unahang babaeng presidente ng Pilipinas.

Hindi ko makalimutan ang mga oras na yun. After na manumpa ni Tita Cory, kumanta naman ng awiting Bayan ko. Lahat ng mga tao ay nakataas ang kamay at naka-laban sign. Hindi ko makalimutan ang mga yun kasi ba naman habang kumakanta ang lahat ng Bayan ko ay umaaligid-aligid naman sa ere o sa ulunan namin ang helikopter. Pero ganun pala, hindi ka matatakot mamatay ng mga oras na yun.

Tanging mga sarili lamang ang ipinanglaban ng mga Pilipino sa mga sundalo at tangke ni Marcos. Nung time na yun, ang sarap talagang maging Pilipino.


Bata, matanda, sama-sama. Hinaharangan ang mga daan para hindi makaraan ang mga sundalo at tangke nina Marcos at Ver.


After ng panunumpa ni Tita Cory, nagtuloy naman kami sa EDSA. Sa annapolis kami dumaan at naglakad. Doon mas maraming tao ang aking nasaksihan. Parang piyesta. Nagbibigayan ng mga pagkain...masasaya ang lahat.

Pagkakaisa ang naging susi kung bakit nagtagumpay tayong paalisin sa pwesto niya ang isang diktaturya. Ito marahil ang pangunahing aral na itinuro sa atin ng EDSA. Pero ngayon, buhay pa kaya sa atin ang diwang ito?

Sana lang, huwag tuluyang mawala at malimutan ang napakahalagang aral na ito na ibinigay sa atin ng EDSA.

AMEN....

Comments

cool fern said…
hindi pwedeng kalimutan'tong people power..eto ang nagpakikilala sa mga pinoy all over the world...
Dennis said…
Oo nga and I'm proud to say na bahagi ako ng kasaysayang ito.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy