FRIED CHICKEN - INASAL Flavor
I love fried chicken. Kahit mga anak ko, basta pritong manok ang ulam, siguradong enjoy sila sa pagkain. Minsan nga nakakasawa na ang chicken joy at mc chicken. Nakakasawa talaga lalo na kung same old taste ang makakain mo.
So ano ang pwedeng gawin? E di mag-experiment ng kung ano-anong flavor ng fried chicken. hehehehe. Totoo...kagaya nitong entry natin for today. Timplang chicken inasal siya pero pinirito ko instead na i-ihaw. Ang kinalabasan? Isang masarap na fried chicken. Try it!
FRIED CHICKEN - INASAL Flavor
Mga sangkap:
1 whole Chicken (hiwain sa nais na laki)
3 tangkay na Lemon grass (yung white na parte lang. hiwain ng maliliit)
1 thumb size Ginger (grated)
4 cloves Minced garlic
6 pcs. Calamansi (juice)
1/2 cup vinegar
1 tsp. freshly ground black pepper
1 tbsp. rock salt
1 tsp. maggie magic sarap or MSG (optional)
1 cup all purpose flour
1/2 cup cornstarch
cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang manok ng asin at paminta.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang suka, katas ng calamansi, bawang, ginayat na tanglad, ginadgad na luya at maggie magic sarap.
3. Ibuhos ito sa tinimplahang manok. Hayaan ng mga 1 oras. Overnight sa fridge mas mainam.
4. Kung lulutuin na, alisin ang marinade mix at mga sapal nito sa manok. Maaring gumamit ng paper towel para maalis ang extrang katas ng marinade mix sa manok.
5. Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang manok, harina at cornstarch. lagyan din ng kaunting MSG or maggie magic sarap.
6. Alug-alugin sa loob ng plastic bag hanggang sa ma-coat ng harina ang lahat ng manok.
7. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.
8. Hanguin sa lalagyang may paper towel para maalis ang extrang mantika.
Ihain kasama ang inyong paboritong catsup or gravy.
Enjoy!!!!
Comments