MELON-MANGGO-JELLY SALAD
Sa SM supermarket sa Makati, may isang section doon na makakabili ka ng fruits and vegetables salad na pwedeng ikaw ang gagawa. Meaning, ikaw yung pipili kung ano ang ilalagay mo sa iyong salad. Maraming klase ng prutas. Kung vegetable salad naman, marami ding pagpipilian na gulay. Basta ikaw na ang bahalang pumili at ipapakilo mo na lang para malaman mo kung magkano ang iyong babayaran.
Kung ikaw lang ang kakain, I think mas makakatipid ka kung bibili ka na lang ng ganito yung ikaw pipili. Pero kung marami kayo na kakain mas mainam na gumawa ka na lang ng sarili mong salad with all the goodies na guysto mong ilagay.
Ganun ang ginawa ko sa entry natin for today. Gusto lang ng mga bata ng mangga at melon. So yun lang nga ang binili ko na prutas na gagawin kong salad. Meron pa naman akong condensed milk at gulaman sa bahay.
MELON-MANGGO-JELLY SALAD
Mga Sangkap:
2 pcs. Hinog na Mangga
1 whole Melon
1 cup Condensed Milk
1 cup All Purpose Cream
1 bar Green colored Gulaman
1/2 cup sugar
1 tsp. Pandan Flavor essence
Paraan ng Paggawa:
1. Iluto ang gulaman sa 5 tasang tubig. Ilagay ang pandan essence at asukal. Hayaang kumulo hanggang sa matunaw ang gulaman.
2. Hanguin ito sa square na lalagyan at palamigin.
3. Hiwain ang mangga at melon ng pa-cubes ayon sa nais ninyong laki. Ilagay sa isang bowl.
4. Kung nag-set na ang gulaman, hiwain din ito ng pa-cubes katulad ng mangga o melon.
5. Ilagay ang cream at condensed milk. Haluin ng dahan-dahan para hindi madurog ang gulaman at prutas.
6. Ilagay muna sa fridge para lumamig bago ihain.
Enjoy!!!!
Comments