LUMPIANG TOGE
Ito ang naging inspirasyon ko para magluto din nito sa bahay. Syempre mas espesyal ito kumpara dun sa nabibili sa mga laku-lako at sa mga palengke. Yung nabibili kasi dun puro toge lang at kamote ang laman.
Sa pagluluto nito, ofcourse ang pangunahing sangkap ay ang toge. Bahala na kayo kung anong gulay pa ang gusto nyong ilagay. Ang sarap-sarap kainin nito as meryenda o kaya naman ay pampagana na may sawsawang suka na may sili...Sarapppppp...hehehehe.
LUMPIANG TOGE
Mga Sangkap:
250 grams Bean sprout o Toge
1 medium Singkamas (Hiwain na parang palito ng posporo)
1 medium Carrots (Hiwain na parang palito ng posporo)
200 grams Ground Pork o giniling na baboy
a bunch of chopped parsley
3 cloves minced garlic
1 medium size onion chopped
1 tsp. maggie magic sarap
2 tbsp. Oyster sauce
1 tbsp. Sesame oil
1 egg beaten
Salt and pepper to taste
20 pcs. Lumpia wrapper
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Ilagay ang giniling na baboy at timplahan ng asin at paminta. Hayaan hanggang sa maluto ang giniling.
3. Ilagay ang oyster sauce at maggie magic sarap.
4. Ilagay ang carrots at singkamas. Hayaan ng mga 1 minuto. Halu-haluin
5. Huling ilagay ang toge o bean sprout at parsley. Halu-haluin at ilagay na din ang sesame oil.
6. Palamigin muna ang ginisang gulay.
7. Balutin ang nilutong gulay sa lumpia wrapper at lagyan ng binating itlog ang gilid ng lumpia wrapper para dumikit at hindi bumuka ang balat.
8. I-prito ang mga ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Dapat lubog sa mantika ang lumpiang piniprito para pantay ang kulay nito.
9. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel para maaslis ang extrang mantika.
Ihain kasama ang sawsawang suka na may sili, kaunting asin at asukal.
Enjoy!!!!
Comments
food blogs helps mum's like me who are not so into cooking.. so thanks.
Thanks behavelady....
anyway,sarap nitong lumpiang gulay mo..2 thumbs up para dito,dennis
Ang sarap talaga ng mga ganotong pagkain....hehehehe