MIYERKULES de ABO - SIMULA NG MGA MAHAL NA ARAW


It's Ash Wednesday today o Miyerkules de Abo. Sa ating mga Katolikong Kristiyano, ito ang simula ng cuaresma o ang tinatawag nating mga Mahal na Araw.

Sa araw na ito, nilalagyan tayo ng mga pari ng abo sa ating noo at pinapaalala na sa alabok tayo nagmula at sa alabok din tayo magbabalik. Pinapaalala sa atin kung papaano naghirap ang ating Panginoong si Hesus para lamang maligtas tayo sa ating mga kasalanan. Ito ang mga panahon kung saan inaalala natin ang ating mga nagawa lalo na yung hindi kanais-nais sa Diyos at ito ay ating pinagsisisihan.




Sa araw ding ito, tuwing Biyernes at sa mga mahal na araw ay pinapaalalahanan tayo sa pag-iwas sa pagkain ng karne. Kaya naman narito ang ilan sa mga pagkain na pwede nating ihanda sa mga panahong katulad nito:


Shrimp in Lemon and Butter


Sweet and Sour Fish

Tuna Steak in Creamy Basil Sauce



Shrimp tempura


Fish Fillet in Oyster Sauce

Sinigang na Hipon


Fish Steak

Enseladang talong at Itlog na Maalat

Pritong Tilapia

Escabecheng Isda

Matatagpuan ninyo ang mga recipe ng mga pagkain nasa itaas sa ating archive sa kanang bahagi ng inyong screen.

Nawa ay maging makabuluhan ang mga mahal na araw na ito na darating.

Pagpalain nawa tayo ng Diyos.

Amen.

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy