PANGAT NA ISDA SA KAMIAS
Ang pangat o pinangat ay isang lutuing pinoy na maihahalintulad natin sa sinigang na isda pero yun lang mas kakaunti ang sabaw ng sa pinangat. Kung baga parang braised fish konti lang ang sauce. At isa pa, walang masyadong gulay di tulad ng sinigang. Ang ginagamit na pangasim dito ay depende kung ano ang available sa inyong lugar. Pwede ang calamansi o kaya naman ay kamias.
PANGAT na ISDA sa KAMIAS
Last January 21 dinalaw namin ang ina ng aking asawang si Jolly sa Batangas. At sa pag-uwi namin pabalik ng Manila, hindi lang saging na saba ang naiuwi namin kundi isang supot ng sariwang kamias. At dito ko nga naisip na mag-pangat ng isda para maiba naman. Kung baga back to basic. Masarap ang pinangat lalo na kung sa palayok mo ito lulutuin.
PANGAT na ISDA sa KAMIAS
Mga Sangkap:
6 pcs. na isda (Hasa-hasa, bisugo, tilapia, etc. ay pwedeng gamitin dito)
8 pcs. na Kamias (hiwain ng pahaba)
4 pcs. Kamatis (pag-apatin)
1 large sibuyas (Sliced)
Salt or patis to taste
MSG (optional)
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, maglagay ng 2 tasang tubig. Ilagay ang kamias, sibuyas at kamatis. Isalang sa apo hanggang sa kumulo.
2. Piratin ang mga kamias at kamatis para lumabas ang asim nito.
3. Ilagay ang isda at timplahan ng asin o patis.
4. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang isda.
5. Lagyan ng vetsin o msg kung nais.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!!
Comments
ngayon ko lang nalaman 'tong pangat recipe...\i used to cook this pero sinigang din tawag ko..hehehe