POLLO CON GUISANTES


Isa na namang simple pero masarap na putahe ang handog ko sa inyo sa araw na ito. Actually ito din ang baon ko at ng mga anak ko sa school.

Ganun naman ata talaga ang pagkaing Pilipino. Simple ang paraan ng pagkaluto pero masarap. At dun siguro nasanay ang ating mga taste buds. hehehehe

Pero bakit parang espanyol ang dating ng title ng pagkain natin? Well, di ba naman ang dami nating salita ngayon na sa Spanish natin nakuha. Kung tawagin nga natin yun ay mga salitang hiram...hehehe..Pilipino 101 ata yun ha? hehehe.

Sa madaling salita ang dish nation for today ay manok (pollo) na may (con) guisantes. Di ba ang sosyal ng dating....hehehe. Oo, at sosyal din ang lasa.


POLLO con GUISANTES

Mga Sangkap:

1 kilo Chicken (kahit anong part..ang ginamit ko dito puro drumstick)

2 can Guisantes (cooked peas in can)

1 large Potato - cubes

4 cloves minced garlic

1 large onion chopped

1 tsp. maggie magic sarap

1 tsp. Dried basil

2 tbsp. olive oil or butter

1 tsp. cornstarch

salt and pepper to taste

2 tbsp. finely chopped parsley for garnishing


Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang manok ng asin, paminta, maggie magic sarap at dried basil. Hayaan ng mga isang oras.

2. Sa isang non-stick pan, i-prito ang manok sa olive oil o butter. Hayaan pumula ng kaunti ang balat ng manok.

3. Igilid ang manok sa kawali at igisa ang bawang at sibuyas.

4. Ibuhos sa nilulutong manok ang sabaw ng green peas o guisanted.

5. Ilagay ang patatas at takpan hanggang sa maluto ang manok.

6. Tikman at i-adjust ang lasa.

7. Ilagay ang guisantes at hayaan ng mga 1 minuto.

8. Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

9. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng ginayat na parsley sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
talagang sosyal nga ang dating..hahaha
spanish ang dating..hahaha
keep up the good work,dennis
Dennis said…
Thanks. Actually parang afritada ang lutong ito. Wala lang tomato sauce at iba pang gulay. Pero masarap talaga.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy