ROAST PORKLOIN in CHAR SIU SAUCE
Here is the second dish na niluto ko last Chinese New year con Valentines day. Actually, it's a very simple dish. Kung may oven ka o kaya naman ay turbo broiler, makakagawa ka na ng isang espesyal na dish.
Marami na din akong roast pork recipe na nai-post sa blog na ito. Meron din naman na mga sablay but ofcourse marami dito ang succesful....hehehehe. Pangkaraniwan pata or liempo ang ginagamit ko. But this time, sinubukan ko naman na porkloin ang gamitin. Hindi naman ako nabigo at naging extra special ang valentine dinner naming mag-asawa.
ROAST PORKLOIN in CHAR SIU SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Porkloin or pork lomo
1/2 cup Char siu sauce
3 tbsp. Worcestershire Sauce
1 tsp. freshly ground black pepper
1 tsp. rock salt
1 tbsp. sesame oil
Paraan ng Pagluluto:
1. Paghaluin ang asin at paminta at ibudbod o ikiskis sa laman ng karne.
2. Ilagay na din ang Char siu sauce, worcestershire sauce at sesame oil sa karne. Hayaan ng mga 1 oras. Overnight mas mainam para mas manuot sa karne ang mga flavor ng marinade mix.
3. Lutuin ito sa oven o turbo broiler sa init na 350 degrees sa loob ng 45 minuto.
4. From time to time, pahiran ng marinade mix ang nilulutong karne hanggang sa maluto.
For the sauce:
Paghaluin lang ang kaunting grated ginger, kaunting minced garlic, 1/2 cup na toyo, 2 tbsp. hoisin sauce, 1 tbsp. brown sugar, kaunting paminta at lutuin sandali sa isang sauce pan.
I-slice muna ang nilutong karne bago ihain kasama ang sauce.
Enjoy!!!!
Comments