STEAMED MIX VEGETABLES
Ang entry natin for today ay isa sa mga inihanda ko last valentines. Actually it's a very simple dish. Ang kailangan lang gawin dito ay yung timing ng pag-i-steam sa mga gulay. Kung baga yung tamang luto lang.
Remember yung cauliflower na niluto ko nung isang araw? Ito naman ay nilagyan ko ng olive oil just to add more flavor sa sarap ng gulay. In general, this is a very healthy food. Tamang-tama sa araw ng mga puso. Gulay for the heart.
STEAMED MIX VEGETABLES
Mga Sangkap:
250 grams Broccoli cut into bite size pieces
250 grams Cauliflower cut into bite size pieces
1 pc. medium size Carrots
100 grams Baguio beans cut into 2 inches long
3 tbsp. olive oil
salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserolang may steamer, magpakulo ng mga 3 tasang tubig.
2. Kung kumukulo na ang tubig, ilagay sa steamer ang mga hiniwang gulay.
3. I-steam ito hanggang sa maluto ang gulay. Huwag i-over cooked.
4. Hanguin sa isang bowl at timplahan ng asin, paminta at olive oil.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments