STIR FRIED BEEF with CHICHARO and CARROTS
Another simple but delicious dish ang entry natin for today. Actually, Beef Hopan dapat ang gagawin kong luto sa Yakiniku beef na ito na nabili ko. Pero nagbago at ni-request ng wife kong si Jolly na lagyan ko na lang ng oyster sauce. At ganun na nga ang lutong ginawa ko. Nilagyan ko na lang ng chicharo at carrots para naman may kasamang gulay.
Try nyo ito...simple pero masarap.
STIR FRIED BEEF with CHICHARO and CARROTS
Mga Sangkap:
1 kilo Yakiniku Beef or any thinly sliced beef
1 medium size Carrot cut into strips
100 grams chicharo
1 large Onion chopped
4 cloves minced garlic
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy sauce
1 tbsp. Brown sugar
1 tsp. cornstarch
salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang sliced na baka. Hayaan ng mga ilang minuto.
2. Sa isang non-stick na kawali i-prito ang sliced beef sa kaunting mantika.
3. Kung medyo naluto na ang karne, ilagay sa gilid ng kawali at igisa ang bawang at sibuyas.
4. Ilagay ang toyo at oyster sauce. Takpan at hayaang kumulo hanggang sa lumabot ang karne. Maaring lagyan ng kaunting tubig kung kinakailangan.
5. Kung malambot na ang karne, ilagay ang carrots at chicharo. Halu-haluin.
6. Ilagay ang tinunaw na cornstarch at brown sugar.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments