ADOBONG BAKA sa GATA
Noon ko pa binalak na magluto nitong adobong baka sa gata. Kaso lang hindi naa-approve ng aking asawang si Jolly. Hindi kasi siya masyadong mahilig sa mga pagkaing may gata.
But last Sunday, natuloy na din at hindi na ako nag-seek ng approval sa kanya. Basta niluto ko na lang.....hehehehe. Masarap naman ang kinalabasan at wala ding negative comments ako natanggap sa kanya.
For a change, medyo binago ang paraan ng pagluluto nito. But ofcourse the basic way to cook adobo is there.
Also, sa halip na fresh gata, itong nasa tetra pack ang ginamit ko. Syempre naman mas masarap yung bagong piga na gata talaga, kaya lang medyo time consuming kaya ito all natural na coconut milk ang ginamit ko. Taste good!
ADOBONG BAKA SA GATA
Mga Sangkap:
1 kilo Beef brisket (whole)
200ml Coconut milk
1 cup Vinegar
1 cup Soy Sauce
1 tsp. freshly ground black pepper
Salt to taste
3 pcs. Dried laurel
2 medium potatoes cube
1 head minced garlic
1 tsp. garlic powder
1 head garlic sliced (for garnish)
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, ilaga ang karne ng baka sa asin at tubig. Hayaang kumulo ng mga 15 minuto.
2. Hanguin at hiwain ng pa-cubes ang mga karne.
3. Ilagay sa kaserola ang hiniwang karne at lahat ng sangkap maliban sa patatas at sliced na bawang.
4. Isalang sa apoy at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan ng tubig kung natutuyo na ang sabaw.
5. Kung maalambot na ang karne, sa isang kawali, i-prito ang patatas sa mantika hanggang sa maluto. hanguin sa isang lalagyan.
6. I-prito din ang hiniwang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
7. Sa parehong kawali, i-prito ang pinalambot na karne. Halu-haluin.
8. Ilagay ang tama lang na dabi ng sabaw ng adobo sa pinipritong karne. Ilagay na din ang patatas at gata. Hayaang kumulo hanggang sa medyo lumapot ang sauce.
9. Tikman at i-adjust ang lasa.
10. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang toasted garlic na ginawa.
Ihain kasama ng mainit na kanin.
Enjoy!!!
Comments
ma try nga?kasi usually isda/daing lang ang nilalagyan ng gata or shrimps di ba?
Yung asawa ko, hindi talaga type most of Pinoy foods. pero, I just cook whatever. He will eat if he likes, if not, bahala sya dumiskarte ng kakainin nya. Ganon lang kasimple arrangement namin.
Foreigner ba ang husband mo? Ano ba ang hilig niya na pagkain? maybe I can help...
Dennis
Thanks for this adobong baka sa gata. Enjoy your being such a good cook.
ps. Paki-click naman nung mga ads para maka-points ako sa Google. hehehehe. Thanks
Dennis