ASIAN NOODLES or ASIAN SPAGHETTI
Ang pagkaing pang-almusal marahil ang pinakamahirap na isipin kung ano sa araw-araw. Ito pa naman ang maituturing na pinakamahalagang pagkain sa isang araw. Nakakasawa na ang itlog, hotdog, luncheon meat, tuyo at marami pang iba.
Ako ang ginagawa ko, sinasalitan ko ng ibang klase ng pagkain sa halip na kanin at ulam ang pang-almusal. Minsan nagso-sopas ako ng macaroni o kaya naman ay arroz caldo o nilugawang manok. Minsan naman spaghetti o kaya naman pancit na guisado.
Nitong nakaraang Sabado, itong entry natin for today ang niluto ko. Hindi ko alam kung may ganito talagang recipe. Pero masasabi ko na nalalapit ang lasa niya sa instant yakisoba na nabibili natin. Masarap naman. Hindi pangkaraniwan ang lasa. At isa pa, hindi mahirap hanapin ang mga sangkap na ginamit ko.
ASIAN NOODLES or ASIAN SPAGHETTI
Mga Sangkap:
500 grams Spaghetti pasta cooked according to direction
3 pcs. Chinese Sausage
250 grams Pork Giniling
2 pcs. Dried mushroom (ibabad sa tubig at gayatin ng maliliit)
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Oyster Sauce
1 cup Hoisin Sauce
1 egg beaten
Onion leaves for garnish
3 slices Ginger
1 tbsp. brown sugar
4 cloves minced garlic
1 large Onion chopped
1 tbsp. Sesame oil
2 tbsp. cooking oil
1 tsp. Chili garlic sauce
Paraan ng Pagluluto:
1. Lutuin ang pasta ayon sa tamang paraan.
2. Sa isang non-stick pan, i-prito ang binating itlog at hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas.
4. Ilagay ang giniling. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pamumula ng karne.
5. Isunod na ilagay ang chinese sausage at ginayat na mushroom.
6. Ilagay ang toyo, oyster sauce, hoisin sauce at chili-garlic sauce .
7. Timplahan ng asin, paminta at brown sugar. Hayaang kumulo. Tikman at i-adjust ang lasa.
8. Ilagay ang nilutong pasta. Halu-haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
9. Ilagay ang sesame oil. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang ginayat na itlog at onion leaves.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks for visiting my blog.
Dennis
Thanks for allowing me to post some of your lutong bahay on www.kapampanganku.com. Mahilig din akong magluto pero di singsarap ng luto mo. Lagi akong visit sa blog mo kasi minsan wala na akong ibang maisip na iluluto. Hirap ng malayo sa misis.
More power sa blog mo and keep it up!
Blessings,
Adrian
Dennis