BRAISED PORKCHOPS in SHAOXING RICE WINE


Nabanggit ko sa nakaraang posting ko na dalawa lang kami ng aking asawang si Jolly sa house ngayon. So ang hirap mag-plan ng menu na kakainin namin especially for dinner. Ang ginawa ko na lang, kung dati 1 kilo ang niluluto ko, ngayon 1/2 kilo na lang. But ofcourse madami pa din yun, so yung matitira pa ay nagiging pambaon namin sa aming pagpasok sa office.

Ang entry natin for today ay Braised Porkchops. Nung una kasi dapat ipi-prito ko lang ito with breadings kaya lang di ba dry na dry ang porkchops. Naisip ko bakit hindi ko na lang i-braise ito. Braising ay isang uri ng pagluluto na ginagamitan lang ng kaunting sabaw o liquid. Kung baga tutuyuin mo yung sabaw hanggang sa maluto ang karne na niluluto. Ganito nga ang ginawa kong luto sa dry na dry na porkchops.

Ang resulta? Winner....tingnan nyo naman ang picture...di ba katakam-takam? Ang totoo, mas masarap siya kung kinabukasan na kakainin. ...parang adobo. hehehehe


BRAISED PORKCHOPS in SHAOXING RICE WINE

Mga Sangkap:
7 slices Porkchops
1 cup Shaoxing Rice wine
1/2 cup Soy sauce
1 cup water
1/2 Lemon
3 cloves minced garlic
1 large White onion chopped
1 thumbs size sliced ginger
salt and pepper to taste
1 tsp. cornstarch
2 tbsp. brown sugar
1 tsp. sesame oil
1/2 cup butter or cooking oil

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang porkchops ng asin, paminta at katas ng lemon. Hayaan ng mga 30 minuto. Overnight mas mainam.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang porkchops sa butter o mantika hanggang sa pumula lang ng kaunti ang mga gilid nito.
3. Sa parehong kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas. Halu-haluin.
4. Ilagay ang piniritong porkchops.
5. Ilagay na din ang shaoxing rice wine, toyo at tubig.
6. Takpan at hayaang maluto o hanggang sa kakaunti na lang ang sabaw o sauce. Maaring lagyan pa ng tubog kung kinakailangan hanggang sa lumambot na ang karne.
7. Ilagay ang brown sugar. Tikman at i-adjust ang lasa.
8. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang kaunting sauce.
9. Ilagay ang sesame oil at han guin sa isang lalagyan.

Ihain kasam ang mainit na kanin.

Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
naku maparami ang kanin dito kasi yong kanyang sauce masarap isahog sa kanin...
Dennis said…
Hehehehe...masarap pala talaga ang msy shaoxing rice wine sa ulam....hehehehe
Lory said…
I want to try this pero ang rice wine ko is Hung Lu Chinese cooking wine, meron din akong Aji-Mirin sweet cooking rice seasoning (Pang Japanese cooking). Pwede na siguro either of those..

BTW, I clicked on two of your adverts
Dennis said…
I think it's okay....Thanks for visiting Manang.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy