CANNED MACKEREL with CANTON NOODLES


Sa mahal ng mga bilihin ngayon, nararapat lang na di tayo mag-aksaya sa mga pagkaing binibili sa araw-araw. Kagaya ng gulay. Sa sobrang init ng panahon, madaling nasisira ang mga ito. Kaya kung kailan lang lulutuin, doon lang tayo bibili nito.

Katulad nitong entry natin for today. Ang plano ko sana basta lang igisa itong de-latang makerel para pang-almusal natin. As an extender nilagyan ko lang ng 1/4 na hiwang repolyo at ng makita ko yung canton noodles sa cabinet na ilang buwan na din na nandun, naisip ko na isama na din ito para dumami.
Hindi naman ako nagkamali. Nakakain kaming lahat sa bahay at nakapagbaon pa ang aking asawa sa kaniyang office. And you know what? Nung napadaan ako sa office ng asawa ko, aba ay puring-puri ang niluto kong ito.
Try it! Simple....matipid....at masarap.
CANNED MACKEREL with CANTON NOODLES
Mga Sangkap:
2 big cans Mackerel in oil (555 brand ang ginamit ko dito)
1/4 na Repolyo (gayatin)
Canton noodles (bahala na kayo kung gaano karami ang gusto nyong ilagay)
3 cloves minced garlic
1 large white onion chopped
1 tsp. Freshly ground pepper
1 tsp. Maggie Magic Sarap
salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika. Halu-haluin
2. Ilagay ang repolyo at isunod ang sabaw ng 2 latang mackerel
3. Kapag kumulo ng ang sabaw, ilagay ang canton noodles. Halu-haluin.
4. Isunod nang ilagay ang laman ng mackerel
5. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.
6. Hayaan ng mga ilang minuto hanggang sa malutong tuluyan ang canton noodles.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Note: Kung masyadong maraming sabaw yung mackerel, maari itong bawasan after step# 3

Comments

cool fern said…
ohhhh..i love this one..
i have cooked this sooo many times before,...
sometimes nga ang gamit ko is yong odong noodles..alam mo ba yong odong?,dennis?kasi mura siya..hahaha
Dennis said…
Ano yun? parang egg noodles din? Ang ginamit ko dito ay yung egg noodles na straight hindi kulot-kulot. Bigay lang yun ng ate ko sa Bulacan. Hindi ko alam kung ano tawag dun.
cool fern said…
odong noodles..di ko alam paano i describe pero if you go to the sari sari stores i think alam nila yon..parang misua kaya lang yellow siya...
isang maybahay said…
Nakakatuwa po ang blog nyo, sir. Mapapadalas ako dito! I like your style of writing - parang nagkukuwento lang kayo sa isang kaibigan. :-)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy