CHEESY CORNED TUNA FRITTATA


Isa na namang simple at masarap na lutuin ang handog ko sa inyo sa araw na ito. Di ba Friday ngayon? Sa mga Catholic na kagaya ko, naka-ugalian natin na mangilin sa pagkain ng karne tuwing Biyernes basta sumapipt na ang kuwaresma o ang apatnapung araw ng mga mahal na araw.
At eto nga, corned tuna ang almusal namin kanina. Para naman maging extra special, ginawa ko itong frittata o torta sa marami. Bukod sa nilagyan ko ito ng grated cheese, nilagyan ko din ito ng maliliit na kamatis na galing pa ng Baguio na ibinigay naman sa akin ng aking kapitbahay na si Ate Joy. At isa pa, nilagyan ko sin ng kaunting tomato catsup para makadagdag sarap sa kabuuang lutuin. And the result? Panalo....ulam man sa kanin o tinapay....masarap pa rin.


CHEESY CORNED TUNA FRITTATA

Mga Sangkap:
2 cans. Century Corned Tuna
4 eggs beaten
1/2 cup grated cheese
8 pcs. small tomatoes sliced
1 medium size white onion sliced
2 tbsp. Tomato Catsup
3 cloves minced garlic
1/2 tsp. maggie Magic sarap
salt and pepper to taste
1 tbsp. cooking oil

Paraan ng Pagluluto:
1. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika sa isang non-stick na kawali.
2. Ilagay ang corned tuna....halu-haluin at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.
3. Hanguin sa isang lalagyan. Batihin ang itlog at ihalo ito sa nilutong corned tuna.
4. Ihalo din ang tomato catsup.
5. Lagyan muli ng kaunting mantika ang kawali.
6. I-prito ang 1/2 ng pinaghalong itlog at corned tuna.
7. Para lutuin ang kabila ng frittata, tauban ng plato ang niluluto at saka baligtarin ang kawali at saka ibalik muli sa kawali ang niluluto.
8. Ganun din ang gawin sa 1/2 na micture pa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!







Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy