CHICKEN and SPAGHETTI MEAL


No, hindi ito yung nabibili natin sa mga fastfood kagaya ng Jollibee o Mc Donalds. Hehehehe. It’s an Intalian style spaghetti top with breaded chicken fillet. Komo, dalawa nga lang kami sa house, ito ang naging breakfast naming nitong nakaraang araw.

Actually, puro mga tira-tira na sangkapa ang ginamit ko ditto. Yung chicken fillet, sobra dun sa chicken with spinach. Yung spaghetti sauce, tira dun sa pork stew na niluto ko. At yung sahog na luncheon meat ay tira nung breakfast naming nung isang araw. Hehehehe. Ganun naman talaga. Dapat walang nasasayang na pagkain sa ating fridge.


CHICKEN and SPAGHETTI MEAL

Mga Sangkap:
150 grams Spaghetti pasta cooked according to package direction
2 cups Del Monte Italian style spaghetti sauce
1 cup Luncheon meat diced
1 tsp. Dried basil
1 cup grated cheese
3 cloves minced garlic
1 medium size onion chopped
Salt and pepper to taste
½ cup Olive oil or ordinary cooking oil or butter
2 pcs. Chicken thigh fillet
½ Lemon
1 cup flour
1 tsp. Maggie magic Sarap

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang chicken thigh fillet sa asin, paminta, Maggie magic sarap at katas ng lemon. Hayaan ng mga 30 minuto.
2. Lutuin ang pasta ayon sa package direction. Huwag i-over cooked.
3. Igulong sa harina ang manok at i-prito sa olive oil sa isang non-stick na kawali. Lutuin hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay nito. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas. Ilagay na din ang luncheon meat.
5. Ilagay ang spaghetti sauce. Timplahan pa ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
6. Ilagay na din ang dried basil at grated cheese.
7. Hayaang kumulo sa mahinang apoy.
8. Ilagay ang nilutong pasta. Haluin hanggang sa ma-coat lahat ang pasta ng sauce.
9. To serve, Maglagay ng tamang dami ng spaghetti sa plato. Hiwain ang piniritong manok at ilagay sa ibabaw ng spaghetti. Lagyan ng grated cheese din sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa na may kasamang garlic or toasted bread.

Enjoy!!!!

Comments

isang maybahay said…
Tama kayo, sir! Sa hirap ng buhay ngayon, hindi dapat nagsasayang ng pagkain! Ako man, kadalasan ang tirang meat ay sinasahog ko sa fried rice. Dapat praktikal at tipid!
Dennis said…
Yes maybahay...it's a must sa lahat ng cook sa bahay....hehehe

Salamat sa patuloy mong pagtangkilik.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy