CHICKEN KATSU with HONEY-LEMON SAUCE



Sa mga madalas kumain sa mga Japanese Restaurant, ang Tonkatsu marahil ang isa sa mga dish doon ang tinatangkilik nating mga Pilipino lalo na dun sa hindi masyadong mahilig sa mga raw na dish. Ang Tonkatsu ("ton"-pork "katsu"-cutlet) ay deep fried pork cutlet na may espesyal na sauce na inilalagay.

Itong entry natin for today sa halip na pork ang ginamit ko ay chicken breast fillet. So hindi na siya tonkatsu kundi Chicken katsu na...hehehehe. Also, wala akong kung ano-anong japanese na sangkap para gawin ang sauce. Kung ano lang ang available sa aming kusina ay yun lang ang ginamit ko. Ang resulta? Winner....


CHICKEN KATSU with HONEY-LEMON SAUCE

Mga Sangkap:
2 pcs. Whole skinless breast fillet (hiwain sa 2)
1/2 Lemon
salt and pepper to taste
1 egg beaten
1 cup Flour
1 cup Japanese Breadcrumbs

For the sauce:
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Water
1/2 cup Honey
4 cloves minced garlic
1/2 Lemon
1 tsp. Lemon zest (ginadgad na balat ng lemon)
1 tbsp. brown sugar
1 tsp. Worcestershire sauce
1 tsp. cornstarch
1/2 tsp. Sesame oil
1 tsp. ground black pepper

Paraan ng pagluluto:
1. Sa loob ng plastic or wax paper, pitpitin ang breast fillet hanggang sa numipis at lumapad. Gumamit ng kitchen mallet o kahit anong pampukpok para gawin ito.
2. I-marinade ito sa katas ng lemon at timplahan ng asin at paminta. Hayaan ng mga 30 minuto o mas matagal mas mainam.
3. I-ready ang binating itlog, harina at japanese breadcrumbs sa plato o bowl.
4. Ilubog ang isang piraso ng chicken fillet sa itlog, pagkatapos ay igulong naman sa harina, ilubog ulit sa itlog at igulong naman sa japanese breadcrumbs. Ilagay muna sa isang lalagyan.
5. Ilagay muna sa freezer ng mga 15 minuto bago i-prito.
6. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.

For the sauce:
a. Sa isang sauce pan, igisa ang bawang sa kaunting mantika.
b. Ilagay ang toyo, katas ng lemon, at lemon zest. Lagyan ng 1/2 tasang tubig. Halu-haluin
c. Timplahan ng paminta at brown sugar.
d. Ilagay ang honey. halu-haluin
e. Ilagay ang tinunaw na cornstarch at patuloy na haluin sa mahinang apoy.
f. Huling ilagay ang worcestershire sauce at sesme oil.
g. Tikman at i-adust ang lasa.

Hiwa-hiwain ang nilutong chicken katsu at lagyan ng sauce sa ibabaw.

Enjoy!!!

Comments

Anonymous said…
big improvement sa pics! very appetizing :)
Dennis said…
Thanks.....actually ordinary digicam lang ang gamit ko...kaya pansin mo medyo malabo yung ibang kuha.....I will try my very best na mapaganda pa ang ibang pict na ipo-post ko.


Dennis
cool fern said…
tenks,dennis..di ko alam to..kasi ang lagi kong ino-order sa japanese resto ay ang tempura lang...
Dennis said…
Tonkatsu...katsudon...etc. Ako din mas madalas tempura lang ang ino-order ko.....pork din naman kasi ito....hehehehe
FoodieDiva said…
Hello Dennis. Actually, I've been visiting your blog everyday for a few months now. I think I saw a link from Pinoycook's blog. I'm inspired by people like you who try to cook different meals all the time! I love to eat but sometimes I get stuck in a rut and seem to cook the same things over and over and over... LOL.

Anyway, more power to your blog and I'll continue on visiting.
Dennis said…
Thanks FoodieDiva....visit din ako sa food blog mo...actually in-add ko na siya sa aking favorite.

Thanks again....


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy