CHICKEN SKEWER with BARBEQUE and PEANUT BUTTER SAUCE



Ang haba ng title ng recipe natin for today....hehehehe. Actually, ang shorter name ng recipe na ito ay chicken satay. Isang recipe na very common sa ating mga neigboring countries. Yun lang, ito a ng simplified version. Unlike sa tunay ng recipe ng chicken satay, ito sa akin ay ilan lang ang sangkap na kailangan. Tipid sa sangkap pero hindi tipid sa sarap.

Try nyo ito...nagustuhan talaga ng mga anak ko at ng asawa kong si Jolly. Ayos na ayos din ito sa mga picnic o party.


CHICKEN SKEWER with BARBEQUE and PEANUT BUTTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Skinless Chicken breast fillet

1 lemon

1 tbsp. Sesame oil

1 tsp. maggie magic sarap

salt and pepper to taste

Barbeque sticks

For the sauce:
1/2 cup Peanut butter (tunawin sa 1 tasang tubig)

2 tbsp. Hoisin Sauce

1/2 cup Barbeque Sauce

1 tsp. Garlic powder

1 tsp. Ground pepper

1 tbsp. brown sugar


Paraan ng Pagluluto:

1. Hiwain ang ang manok sa 1/2 inch na lapad at mga 2 - 3 inches na haba. Ilagay sa isang bowl.

2. Timplahan ng asin, paminta, maggie magic sarap at katas ng lemon. Hayaan ng mga 30 minuto. Mas matagal mas mainam.

3. Tuhugin ang bawat isang manok sa barbeque stick.

4. Lutuin ito sa baga o kaya naman ay sa non-stick na kawali. Pahiran ng mantika from time to time hanggang sa maluto.

Para sa Sauce:
a. Paghaluin lang ang lahat ng sangkap sa isang sauce pan. Huwag tigilan ng halo sa mahinang apoy.

b. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain kasama ang inihaw na manok.

Enjoy!!!!


Comments

cool fern said…
thai food...good job,dennis
Dennis said…
Yes...chicken satay but not too spicy.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy