HONEY BEEF with MUSHROOM
Mula nung ma-try kong mag-luto ng Yakiniku Beef, nagustuhan ko na ito at lagi kong binibili basta nagagawi ako ng SM supermarket. Ang yakiniku beef ay thinly sliced na baka na parang bacon. Mura din lang ito, P200 per kilo. Dalawa na ata ang entry ko sa klase ng beef na ito.
This time, isang simple at masarap na dish gamit pa rin ang Yakiniku beef. Simple kasi tambog-tambog lang ng mga sangkap at tapos na. Try nyo ito...magugustuhan nyo talaga.
HONEY BEEF with MUSHROOM
Mga Sangkap:
1 kilo Thinly sliced Beef (Yakiniku)
3 tbsp. Soy Sauce
1 tsp. Corn starch
salt and pepper to taste
1 tbsp. Oyster Sauce
1/2 cup Honey
1 big can Button Mushroom sliced
3 slices Ginger
3 cloves mionced garlic
1 large white onion chopped
1 tbsp. brown sugar
1 tsp. Toasted Sesame seeds (linga)
Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang beef sa toyo, asin, paminta at cornstarch. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. I-prito ito sa isang non-stick na kawali sa sariling katas at mantika hanggang sa mawala ang pagkapula ng karne.
3. Ilagay ang luya, bawang at sibuyas sa niluluto. Halu-haluin.
4. Lagyan ng mga 1 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto ang karne.
5. Ilagay ang oyster sauce, mushroom, honey at brown sugar. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin sa isang lalagyan at budburan ng sesame seeds sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments