LEMON CHICKEN in CREAMY YOGURT


Isa na namang simpleng dish ang handog ko sa inyong lahat para sa araw na ito. Chicken fillet na nilagyan ng yogurt. May naluto na ako sa archive na may sangkap na yogurt din. Pero yung enty nay un ay mango flavor.

This time, walang flavor yung ginamit ko. Nung una nag-iisip ako. Ano ang magpapalasa sa dish? So ang ginawa ko, gumamit ako ng butter at maraming bawang. Ang kinalabasan? Isang masarap na putahe na naman. Try nyo ito…masarap talaga.



LEMON CHICKEN in CREAMY YOGURT

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken thigh fillet (cut into serving pieces)
1 120grams can Creamy Yogurt
½ Lemon
1 large potato cut into cubes
½ cup Butter
½ tsp. Maggie Magic Sarap
½ cup Alaska Evap
1 thumb size sliced ginger
2 heads minced garlic
1 large white onion chopped
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa asin, paminta at katas ng ½ na lemon. Ibabad ito ng mga 1 oras. Overnight mas mainam
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bawang sa butter hanggang sa pumula ito. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali, i-prito ang manok hanggang pumula ng kaunti ang balat.
4. Igilid lang sa kawali ang manok at igisa dito ang luya at sibuyas. Halu-haluin.
5. Ilagay ang patatas at takpan ang kawali. Hayaan hanggang sa malapit nang maluto ang papatas. Maaring lagyan ng kaunting tubig kung nais.
6. Kung malapit ng maluto ang patatas, ilagay ang yogurt at Alaska evap. Halu-haluin.
7. Timplahan ng Maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang nilutong toasted garlic.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
ohhh wow..bago sa paningin ko etong recipe na 'to...
keep it up,dennis
Dennis said…
Tama ka...try mo ito...winer talaga....

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy