LETTUCE, TOMATOES and CHEESE SALAD with YOGURT DRESSING
Dalawa lang kami ng asawa kong si Jolly sa bahay. Tapos na ang klase ng 3 naming mga anak at komo nga wala kaming helper ngayon ay napagkasunduan naming pagbakasyunin muna sila sa aking mga magulang sa Bulacan.
Dahil dito, madalas sa labas na kami kumakain ng dinner. But last night, parang wala kaming ganang kumain sa labas bukod pa sa magastos ito, naisipan naming kumain na lang ng light meal for dinner.
Naisip ko ang binili kong lettuce na parang masarap gawing salad. Agad-agad, yun ang ginawa ko. Naghanap na lang ako ng pwedeng ilagay na sangkap.
Yun ang mainam sa kahit anong salad. Kahit ano pwede mong paghalu-haluin. Bahala ka na kung ano ang gusto mo. At iyun ang nangyari sa salad na ito na nagging dinner naming last night…hehehehe.
LETTUCE, TOMATOES and CHEESE with YOGURT DRESSING
Mga Sangkap:
10 pcs. Romaine Lettuce (pira-pirasuhin ayon sa nais na laki)
2 large Tomatoes sliced
1/2 cup Grated cheese2 pcs. Salted Egg chopped or sliced
1/2 cup Yogurt (plain or flavored)
1 tbsp. Toasted Garlic
salt and pepper to taste
Paraan ng paghahanda:
1. Sa isang bowl, ilagay una ang mga lettuce.
2. Sunod na ilagay sa ibabaw ang hiniwang kamatis.
3. At sunod-sunod ng ilagay sa ibabaw ang natitira pang sangkap.
Enjoy!!!!
Note: Mainam na ilagay muna ang lettuce sa ice cubes bago i-assemble. Sa pamamagitan nito mas magiging crisp yung dahon ng lettuce.
Comments