PORK LIVER STEAK


Gustong-gusto ko ang atay ng baboy. Inihaw man o kaya naman ay inadobo ay panalo talaga ang kain ko. Sa amin nga sa Bulacan kapag kakagaling lang sa sakit, pinapakain ng inihay na atay ng baboy. Nakakapagbalik daw ito ng lakas sa isang tao. Well according yan sa mga matatanda.

Nitong isang araw, naisipan kong magluto ng Pork Liver Steak. Madalas natin itong makikita sa mga karinderya dito sa Manila. Madalas pa nga pinapadadagan natin ng sauce dahil malasang-malasa talaga ang ulam na ito. Kung baga sauce pa lang ulam na.


PORK LIVER STEAK

Mga Sangkap:

1/2 kilo Pork Liver sliced (Tip: Hugasang mabuti at ilagay sa freezer bago hiwain. Sa pamamagitan nito maganda ang hiwa na kakalabasan ng atay)

10 pcs. Calamansi

1/2 cup Soy sauce

5 cloves minced garlic

1 large Onion cut into rings

salt and pepper to taste

Maggie Magic Sarap (optional)

1 cup of water
1 tsp. cornstarch


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang onion rings sa mantika sa loob ng mga 30 segundo. Hanguin sa isang lalagyan.

2. Sunod na igisa ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay.

3. Sunod na ilagay ang atay. Timplahan na din ang asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagkapula ng atay.

4. Lagyan ng toyo at hayaan ng mga 1 minuto.

5. Kung malapit ng maluto ang atay ay saka ilagay ang katas ng calamansi. Hayaang kumulo.

6. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

7. Tikman at i-adjust ang lasa. Timplahan pa ng asin, paminta at maggie magic sarap kung kinakailangan.

8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong onion rings.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy