PORK & POTATOES in SPAGHETTI SAUCE


Sa pagluluto, mainam na matutunan ang paghahalo ng ibat-ibang klase ng mga sangkap lalo na yung sa mga herbs. Yung medyo may pagka-experimental ba. Sa pamamagitan nito natututo tayo ng nga bagong putahe na pwede nating isama sa mga collection natin na mga recipe. Di ba nakakasawa naman talaga yung paulit-ulit na lang na ulam.

Katulad ng entry natin for today. Isang simpleng dish na ginamitan ko kung ano ang available sa fridge. Una kasi, hindi ako masyado nag-i-stock ng gulay sa bahay. Medyo may kamahalan din kasi at madali lang masira lalo pa ngayon na mainit ang panahon.

Maituturing ko na experimental ang dish na ito. Hindi ko alam kung may ganitong talagang dish. Pero ang kinalabasan.... isang masarap na ulam. Sa dish na ito, sauce pa lang ay ulam na. Try it. tiyak kong magugustuhan ito ng mga bata.


PORK & POTATOES in SPAGHETTI SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork cut into cubes
2 cups Del Monte Italian style spaghetti sauce
4 pcs. Chopped Tomatoes
1 large potato cut into cubes
1 tsp. Dried Basil
1 tsp. Dried Thyme
1/2 cup grated cheese
4 cloves minced garlic
1 large Chopped onion
1/2 cup cornstarch
1 tsp. Maggie magic Sarap
salt and pepper to taste

Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahan ang karne ng baboy ng asin at paminta. Hayaan ng mga 15-30 minuto.
2. Ilagay ang karne sa isang plastic bag at ilagay ang cornstarch. Alug-alugin hanggang sa ma-coat ang lahat na karne ng cornstarch.
3. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang karne sa kaunting mantika hanggang sa pumula lang ng kaunti ang balat nito.
4. Igilid lang ang mga karne sa kawali at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Halu-haluin ito kasama ang karne.
5. Ilagay ang 1 tasang spaghetti sauce at 1 tasang tubig at hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne. Lagyan pa ng tubig kung kinakailangan pa.
6. Kung malapit ng lumabot ang karne, ilagay ang patatas at 1 tasa pa ng spaghetti sauce.
7. Kung luto na ang papatas, ilagay ang grated cheese at maggie magic sarap.
8. Tikman at i-adjust ang lasa.
9. Hanguin sa isang lalagyan at budbudan pa ng dried basil sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
wow naman...napaka resourceful mo naman,dennis..
super bilib na talaga ako sa 'yo..
very inventive 'tong mga niluluto mo ahh?
Dennis said…
Actually para siyang afritada...pero mas masarap siya sa afritada. Sabi ko nga sauce pa lang solve na solve ka na. Pwede mo nga ihalo sa pasta eh..hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy