PUERTO GALERA - SUMMER 2010
Last Saturday March 6-7, 2010, nayaya kaming pamilya ng kapitbahay kong si Ate Joy na mag-outing sa Puerto Galera. Komo nga ilang beses nang hindi matuloy-tuloy ang lakad na ito kaya sumama na din kami kahit na medyo kapos sa budget. Tutal naman kako ay mainit na talaga ang panahon ay tamang-tama talaga na mag-swimming sa beach.
Habang naghihintay sa aming sasakyang bangka. Kuha ito sa pier ng Batangas.
Habang naghihintay sa aming sasakyang bangka. Kuha ito sa pier ng Batangas.
First time ko pa lang na mapunta sa White beach ng Puerto Galera. Yung huling punta ko ng Mindoro ay nung namiyesta kami sa kapatid ng aking kaibigan na si Franny and that was a long time ago.
Syempre excited ang mga bata. Sa port of Batangas pa lang habang naghihintay sa bangkang aming sasakyan ay panay tanong na nila kung anong oras kami aalis.
Medyo na-late ang naging sakay namin. Late na kasi kami naka-dating sa port of Batangas at naiwan kami nung bangka na dapat sana ay sasakyan namin. Naka-alis kami ng port 5:00pm na.
Habang naghihintay sa aming paglalayag papuntang White Beach, syempre picture-picture muna. Kuha ito sa pier ng Batangas.
Papalubog na ang araw nung dumating kami ng White Beach. Diretso na agad kami sa aming tutuluyan at ito ay sa Nautilus Inn. Ok yung place. Malinis at mukhang bago pa lang na naitayo.
Dahil sa pagod, nagpahinga muna ang iba at ang iba naman ay nag-ayos ng aming kakainin for dinner. Alam nyo kung ano lang ang dinner na kinain namin? Walang-wala.....hehehehe. Isang buong lechon na galing pa ng Ilo-ilo. Yes, dala yun ng ina ni Ate Joy. From the airport ay sinundo namin sila at diretso na kami ng Batangas.
Bukod sa Lechon, meron ding adobong manok, inihaw na liempo, inihaw na tilapia at panga, macaroni salad, cake at maraming pang iba.
Ang mga anak ko? Aba ay nagyaya na agad na maligo sa dagat kahit madilim na ang paligid. Ang ginawa ko? Pinakain ko muna sila at saka ko binihisan ng damit pampaligo....hehehehe.
Dahil sa pagod sa biyahe at paliligo sa dagat, nakatulog agad ang tatlo kong anak. Kaya ang nangyari, kami naman ng asawa kong si Jolly ang lumabas at uminom ng kaunti sa maraming bar na mapagpipiliian sa gilid ng dagat.
Maaga pa lang ng kinabukasan ay gisingan na agad kaming lahat. Inom lang ng kape at bihis na ng pampaligo. Maaga kaming lumusong ng dagat. Mahirap kasi kung tanghaliin ng mainit na ang sikat ng araw. Above pict, ang asawa kong si Jolly, si Ate Joy na aking kapitbahay at ang kanyang pamangkin na si Weib.
Syempre si Nanay (monther ni Ate Joy), Si Ate Remy at ang asawa ko enjoying the cool water of Puerto Galera.
Ang bata nagpapapalag sa tubig. Gusto siya lang mag-isa....hehehehe. Look at the water...sobrang clear at malinis talaga.
Sa may gilid lang kami. Kasi mga ilang meters lang ay malalim na agad.
Again....picture-picture.....hehehehe
Okay ba ang posing with my kids? hehehehe. Enjoy talaga kami sa water dito.
Ang pina-nagustuhan ko talaga...ang mag-pamasahe. Mura lang...P200 whole body massage na. At magagaling sina Manang na magmasahe ha.
The kids...ayun may mga hawak na plastic na may maliliit na isda....
Parang Boracaydin ang buhangin sa Puerto. Yun lang may maliliit na bato sa pampang ng dagat...but it's okay...wala namang lumot.
Parang Boracaydin ang buhangin sa Puerto. Yun lang may maliliit na bato sa pampang ng dagat...but it's okay...wala namang lumot.
Di ba ang saya-saya? Enjoying the cool water of the sea.
At syempre sa bawat simula ay may wakas. Kailangan na naming bumalik sa katotohanan...hehehehe. Umalis kami ng Whie beach 1:00pm. Kahit bitin kailangan na naming umuwi.
Pabalik ng Batangas Port, naipangako namin na babalik para muling maranasan ang ganda ng Puerto Galera.
At syempre sa bawat simula ay may wakas. Kailangan na naming bumalik sa katotohanan...hehehehe. Umalis kami ng Whie beach 1:00pm. Kahit bitin kailangan na naming umuwi.
Hanggang sa muli......
Comments
where did it go???
anyway,dennis,ang sarap ng bakasyon ninyong mag anak..
the water is just sooo clear...
nakaka tempt talagang lumusong doon