ROASTED LEMON-GARLIC CHICKEN
Sa bahay, paborito talaga ang lechong manok o roasted chicken. Mas kilala ng mga anak ko ito na turbo chicken o ang ipinangalan nga nami na Anton’s chicken. Kapag ito ang ulam ay talaga namang ubos ang kanin…hehehehe….at humihirit pa ha…hehehe.
Last night nagluto ako ng dalawang buong roasted chicken. Yung isa dinner namin at yung isa naman ay ibinigay ko kay Nanay na ina ng kapitbahay kong si Ate Joy. Sila yung kasama naming nung pumunta kami ng Puerto Galera last Saturday na galling pa ng Ilo-ilo.
Kapag nagluluto ako ng ganito, 1 or 2 days before ko lutuin ay binibili ko na yung manok at mina-marinade ko na. Fresh as in bagong katay na manok ang ginamit ko dito. Also, sa halip na calamansi, lemon ang ginamit ko. Ang kinalabasan? Para ka na ring kumain sa isang class na restaurant. Hehehehe.
ROASTED LEMON-GARLIC CHICKEN
Mga Sangkap:
1 Whole Chicken about 1.2 kilos

1/2 Lemon
1 head minced garlic
1 tsp. ground black pepper
1 tbsp. rock salt
1 tbsp. Ginadgad na balat ng lemon
1 tsp.maggie magic sarap
3 tangkay na tanglad o lemon grass
1/2 cup soy sauce
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang bowl paghaluin ang asin, paminta at maggie magic sarap.
2. Ikiskis sa katawan at loob ng manok ang pinaghalong sangkap.
3. I-slice ang lemon at pigain ang katas sa manok.
4. Ilagay sa loob ng katawan ng manok ang tanglad at sapal ng lemon.
5. Sa isang plastic bag, ilagay ang manok, bawang at toyo.
6. Isara ang plastic bag at masa-masahihin ang manok sa loob nito.
7. Ilagay sa freezer at hayaan na ma-marinade sa loob ng 1 araw o higit pa.
8. Lutuin ito sa oven o sa turbo broiler sa init na 360 degrees hanggang sa maluto.
For the gravy:
a. Sa isang sauce pan isalin ang pinagkatasan ng nilutong manok.
b. Lagyan ng 1/2 cup na butter
c. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
d. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce
e. Haluin-haluin hanggang sa makuha ang tamang lasa at lapot
Ihain ang roasted chicken kasama ang nilutong gravy.
Enjoy!!!!!
Comments