SARCIADONG TALAKITOK



Ang sarciadong isda ang isa sa mga paborito kong ulam nung ako ay bata pa. Lagi kasi namin itong inuulam lalo na pag panahon o mura lang ang kilo ng kamatis. Yung sauce pa lang nito ay ulam na ulam na talaga.

May posting na ako ng sarciadong isda pero hindi ko mapigilan na hindi i-post ang entry na ito. Talakitok ang isdang ginamit ko dito and to add twist in the whole dish, nilagyan ko ng kinchay na nagpadagdag naman ng linamnam sa dish.

I think ang pinaka-nagpaangat sa dish na ito ay yung pagkasariwa ng isda. Yung isda palang ito ay nabili ko sa Farmers Market kasabay nung binili ko na blue marlin na entry ko nung isang araw.

Try it! Madali lang lutuin ito.


SARCIADONG TALAKITOK


Mga Sangkap:

4 slices Talakitok

6 pcs. Kamatis (Hiwain na maliliit)

3 cloves minced garlic

1 medium size onion chopped

1 egg beaten

1/2 cup chopped kinchay

salt and pepper to taste

1/2 tsp. maggie magic sarap



Paraan ng pagluluto:

1. Timplahan ang isda ng asin, paminta at maggie magic sarap. Hayaan ng mga 15 minuto.

2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang isda hanggang sa pumula lang ng kaunti. hanguin sa isang lalagyan.

3. Sa parehong kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Halu-haluin. Lagyan ng 1 tasang tubig at hayaang maluto o hangang sa madurog ang kamatis.

4. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.

5. Ilagay ang binating itlog. Halu-haluyin hanggang sa maluto.

6. Ibuhos sa ibabaw ng piniritong isda. Ilagay din sa ibabaw ang hiniwang kinchay.



Ihain habang mainit pa.



Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
haaayyy naku ang sarap sarap nito,dennis
Dennis said…
Correct ka dyan..... iyan ang isa sa mga paborito kong luto ng isda.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy