SQUID PASTA CARBONARA
Tuwing may mga espesyal na okasyon, hindi nawawala ang mga pasta dishes katulad ng spaghetti at carbonara sa ating mga mesa. Ito ang pangkaraniwang pasta dishes na nakikita natin bukod pa sa macaroni salad at iba pang luto ng pasta.
Ang totoo, marami tayong luto sa pasta na pwede nating gawin. Ang ikinagaling ng pasta, kahit ano ang ihalo mo ay pwedeng-pwede. Kahit nga sardinas pwede eh. Endless kung baga ang pwedeng ihalo sa pasta.
Kagaya nitong entry natin for today. May natira pa akong mga 300 grams na pusit. Meron din akong nakitang 1 pouch na del monte carbonara sauce. So naisip ko, why not squid pasta carbonara ang gawin ko?
At eto na nga...ang masarap na pasta dish na pwedeng nating ihanda sa anumang espensyal na okasyon o kahit sa ating ordinaryong pang almusal. Try it! You will love this pasta dish.
SQUID PASTA CARBONARA
Mga Sangkap:
250 grams Spaghetti pasta (cooked according to directions)
300 grams Pusit (alisin yung yung ulo at yung outer skin na manipis)
1 pouch Del Monte Carbonara Sauce
1/2 cup Alaska Evap (yung red label)
1 head minced garlic
1 medium size white onion chopped
1 cup grated cheese
1 tsp. Dried basil
salt and pepper to taste
1 tsp. maggie magic sarap
1/2 cup butter
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bawang sa butter hanggang mag-golden brown. Hanguin ito sa isang lalagyan.
2. Sa parehong kawali, igisa ang sibuyas ng mga 30 sigundo.
3. Isunod ang pusit at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin.
4. Ilagay na ang carbonara sauce, dried basil at alaska evap. Patuloy na haluin. Tikman at i-adjust ang lasa.
5. Ilagay ang nilutong pasta, kalhati ng nilutong bawang at kalhati ng ginadgad na keso.
6. Haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
7. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan sa ibabaw ng natitira pang piniritong bawang at grated cheese.
Ihain na may kasamang toasted or garlic bread.
Enjoy!!!
Comments